top of page
Search
BULGAR

Patay sa COVID-19, umabot na sa 4,066

ni Madel Moratillo | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Umakyat na sa 248,947 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa.


Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 3,821 mga bagong kaso ng virus infection.


Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 2,079.


Sinundan ng Rizal na may 286 new cases, Cavite na may 174, Laguna na may 168 at Bulacan na may 142.


Nakapagtala naman ang DOH ng 563 na bagong gumaling mula sa covid-19.


Dahil ditto, aabot na ngayon sa 186,058 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.


May 80 namang naitalang nasawi dahil sa virus. Ayon sa DOH, sa bilang na ito 23 ay nasawi ngayong Setyembre, 33 noong Agosto, 10 noong Hulyo, 11 noong Hunyo at 3 noong Mayo.


Sa ngayon, pumalo na sa 4,066 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19.


May 17 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang nai-report kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page