top of page
Search
BULGAR

Patay sa baha sa Turkey at Niger, umakyat na sa 108


ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 15, 2021



Patuloy pa ring nagsasagawa ng rescue operations dahil sa matinding pagbaha sa northern Turkey kung saan umabot na sa 44 ang mga nasawi.


Ayon sa disaster agency ng Turkey na AFAD, bumuo na ng special team upang maghanap ng mga posibleng survivors sa mga nalubog sa tubig na mga gusali at kabahayan dahil sa pagbaha na tumama sa Black Sea regions noong Miyerkules.


Noong Sabado, kinumpirma ng AFAD na umabot na sa 44 ang death toll at siyam na katao ang isinugod sa mga ospital. Samantala, nakaranas din ng pagbaha at landslides ang Niger dahil sa matinding pag-ulan kung saan umabot na sa 64 ang bilang ng mga nasawi.


Ayon sa opisyal ng Niger, 32 katao ang nasawi mula sa mga gumuhong gusali at 32 ang mga nalunod. Tinatayang aabot sa 70,000 katao ang apektado ng insidente at mahigit 5,000 kabahayan ang nasira. Ang mga lubos na naapektuhang rehiyon ay ang Maradi, Agadez sa Sahara Desert, at ang capital na Niamey.

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page