ni Nitz Miralles @Bida | Mar. 23, 2025
Ipinost ni Senator Robin Padilla ang sasakyan na gamit niya nang maaksidente habang nasa Netherlands.
Mabuti at walang nangyari kay Robin, pero ‘yung sasakyan, may konting damage at pintura lang ang nagasgas.
Pasalamat sina Robin na hindi bumaligtad ang kanilang sasakyan na isa sa mga binangga ng isa pang sasakyan.
Papunta sina Robin sa Frankfurt, Germany nang sila’y mabangga ng kotse.
“Okay naman kami lahat. Praise God! Naudlot ang panglilibre,” sabi ni Robin.
Ayon pa sa senador, “Hindi namin napansin isang kisapmata binangga kami sa aming gilid subhana Allah naging steady lang si kapatid na Dindo sa manibela.
“Hindi kami gumewang o tumama sa island kundi taob kami. Astaghfirullah, Patawarin n’yo po kami sa aming mga kasalanan.”
MARUNONG na ng konting Tagalog ang mister ni Glaiza de Castro na si David Rainey at narinig namin siyang nagsalita sa Tagalog nang ma-interview sa premiere night ng Sinagtala: The Movie.
Ang cute lang ng Tagalog nito dahil may Irish accent.
Hindi na siya na-interview after the premiere night, pero siguradong proud si
David sa wife niya na mahusay sa pelikula bilang si Paola. Isa ang mga eksena ni Glaiza sa magpapaiyak at magpapahinayang sa mga moviegoers. Kung bakit, panoorin ang pelikula na magsisimula ang showing sa April 2.
Panalo sa lahat ng aspeto ang pelikula ni Director Mike Sandejas and for sure, proud din si Senator Alan Peter Cayetano na executive producer ng movie. Masasabi mo na kaya pala EP siya ng movie dahil maganda ang material.
Samantala, may post si Glaiza sa ginamit niyang gitara nang mag-perform ang cast bago ang premiere night.
Sabi ni Glaiza, “Huli kong nagamit ‘tong electric guitar, pre-pandemic pa yata. Dahil sa Sinagtala, natugtog ko siya ulit.
“Sobrang thank you @elegeecustom sa pagbibigay-buhay sa gitara ko, ang sayang mapatunog siya ulit.”
Aktres, dinedma raw sa fashion show…
FANS NI KATHRYN, AYAW NA KAY ALDEN
HINDI raw nagpansinan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards nang rumampa sa Bench Body of Work Fashion Show sa MOA Arena noong March 21. Pero, may ipinost ang fan ni Alden na si Nate Gonzaga na photo ng dalawa sa backstage na nag-uusap at nakahawak pa si Alden sa waist ni Kathryn bilang pag-alalay.
Maaaring hindi sila nagpansinan sa runway sa finale ng fashion show kung saan kasama nila at ng ibang models si Ben Chan. Focused sila sa pagrampa kaya siguro hindi nagpansinan.
Kaya lang, nakita si Alden na tumingin kay Kathryn na pinagsimulan na naman ng word war ng kani-kanyang mga fans.
Akusa ng fan ni Kathryn, nagpapapansin at dikit nang dikit daw si Alden sa aktres kahit hindi pinapansin.
Sagot ng fan ni Alden, si Ben Chan ang tiningnan ng aktor at nagkataong katabi nito si Kathryn, kaya hindi maiwasang matingnan din ni Alden ang aktres.
Sa pagbabasa sa palitan ng post ng mga fans nina Alden at Kathryn, napansin namin na hate ng mga fans ng aktres ang aktor. Ayaw na nilang magkatrabaho ang dalawa at makita silang magkasama.
Sa birthday ni Kathryn sa March 26, mas sasaya ang mga fans niya kung hindi siya babatiin ni Alden. Saka, kung may birthday party man, kung sila ang masusunod, ayaw nilang imbitahan ni Kathryn si Alden.
Sagot naman ng mga fans ni Alden, kung sila rin ang masusunod, ayaw nilang may birthday greetings ang aktor kay Kathryn at kung may party man, ‘wag na siyang pumunta kahit imbitahan.
Kapag dumalo si Alden, alam na ng mga fans nito ang kasunod, maaakusahan siya ng kung anu-ano.
Mabuti na lang, nang batiin ni Alden si Julia Montes sa birthday nito noong March 19, walang fans ng aktres na nagalit sa aktor. Welcome na welcome siya pati kay Coco Martin na mahigpit siyang niyakap.
Anyway, ipinaalala ni Alden na open na ang registration sa mga gustong sumali at tumakbo sa Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino sa May 11, 2025 sa Central Park, SM By the Bay, Mall of Asia (MOA).
Comments