ni Nitz Miralles @Bida | February 13, 2023
May taping ng The Write One ang magdyowang Paul Salas at Mikee Quintos, kaya hindi sila makakapag-date at ang cast at production team ng upcoming series ng GMA-7 ang kanilang Valentine’s Day date. First taping day din ng dalawa, kaya magkasama talaga
sila.
“Nakakakilig kasi ang first taping day na magkasama kami ni Paul is Valentine’s Day,” ani Mikee na una nang nag-taping kasama sina Ruru Madrid, Bianca Umali at Lotlot de Leon.
"‘Yun na ‘yung date namin. At saka, first time ko na magte-taping doon. ‘Yung ibang cast, talagang ang gagaling, so ako, naha-hype na ako at gustung-gusto nang mag-work,” ayon naman kay Paul.
Excited sina Paul at Mikee na makatrabaho sina Ruru at Bianca na friends nila. Iba raw ang pressure sa kanila ni Paul.
“Mayroon kaming pride sa isa’t isa. It feels healthy. The competition is really healthy between us. Nakaka-excite lalo kasi excited kaming makita kung ano ‘yung mailalabas namin sa isa’t isa,” dagdag pa ni Mikee sa interview sa 24-Oras.
This year na ang airing ng romance drama na kasama sa cast sina Lotlot at Ramon Christopher sa direction ni King Marc Baco.
Comments