ni Lolet Abania | October 14, 2021
Nakararanas sa ngayon ang Zamboanga City ng matinding kakulangan sa suplay ng medical oxygen para sa kanilang mga pasyenteng may severe o critical infection ng COVID-19.
Sa isang television interview ngayong Huwebes, nai-report ni Atty. Kenneth Beldua, spokesman ng Zamboanga City Task Force, na ilan sa mga pasyente ang hindi na kayang i-admit sa mga ospital dahil sa kaunting oxygen supply ng mga ito.
“The challenge really is the lack of oxygen supply as our private hospitals here had no choice but to deny the admission of some patients needing oxygen,” ani Beldua sa interview.
Ayon kay Beldua, ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga ay nakikipag-ugnayan na sa national government para agad na mabigyan ng mas maraming oxygen tanks ang ospital sa lungsod.
Aniya pa, si Zamboanga City Mayor Beng Climaco ay nakikipag-ugnayan na rin kay vaccine czar Carlito Galvez para matugunan ang problemang kinakaharap nila sa COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, ayon kay Beldua nakapagtala ang probinsiya ng 17,999 kabuuang kaso ng COVID-19, kabilang dito ang 2,605 active cases, at 784 mga nasawi dahil sa virus.
Sa bilang ng mga active infections, sinabi ni Beldua na majority sa mga ito ay asymptomatic habang tinatayang 5% ang severe o critical patients na nananatili sa mga ospital at intensive care units (ICU).
Comments