ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 17, 2020
Nakitaan ng balahibo ng daga, insect fragments at amag ang ilang samples ng dried pasta na itinitinda sa Hong Kong, ayon sa Consumer Council.
Nagsagawa ng pagsusuri ang Consumer Council sa 35 pasta products kung saan na-detect na mayroong 548 microscopic insect fragments ang sample na pakete ng instant macaroni na may tatak ng “Nissin” na locally packed.
Tinatayang aabot naman sa two-thirds ng samples ang nakitaan ng pesticide residue at deoxynivalenol, lason mula sa amag o mold na maaaring magdulot ng pagsusuka at diarrhea.
Pahayag ni Consumer Council CEO Gilly Wong Fung-han, “Manufacturers need to strengthen their quality control measures to ensure a high hygiene standard from procuring wheat to producing the pasta.
“They should pay attention to the hygiene levels of the wheat, especially when we are talking about insect fragments.”
Walang itinakdang accepted maximum level ng insect fragments sa mga pagkain ang Hong Kong at European Union, ngunit ayon sa United States Food and Drug Administration, ang mga produktong mayroong 225 fragments sa 225 grams ng anim o higit pang samples ay maituturing na “adulterated”.
Ayon naman sa “Nissin,” maaaring napagkamalan lamang na insect fragments ang wheat bran ng kanilang produkto dahil ipinasuri rin nila umano ang 18 pakete ng kaparehong samples sa US laboratory kung saan naitala ang mas mababang level ng insect fragments.
Comments