ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 17, 2022
Isang proud moment na naman para sa ating mga Pilipino nang tanghalin ang ating bansa bilang isa sa pinakamagandang bansa sa buong mundo.
Napabilang ang ating bansa sa listahan ng 40 pinakamagandang bansa ng international travel magazine na Conde Nast.
“There are more than 7,000 islands in the Philippines, and they easily number among the most beautiful in the world,” ayon sa writer nitong si Caitlin Morton.
“The Puerto-Princesa Subterranean River National Park in Palawan encompasses mangrove forests, one of the world’s most impressive cave systems, and an underground river. The Chocolate Hills of Bohol Island consist of an estimated 1,776 grass-covered domes that are mysteriously uniform in shape. The rice terraces of both Banaue and the Philippine Cordilleras provide panoramic views of every shade of green imaginable,” dagdag pa niya.
Halos taun-taon ay kasama ang ilang isla ng Pilipinas, tulad ng Palawan, Boracay at Bohol sa listahan ng prestihiyosong magazine na ito, kung kaya’t malaking tulong ito sa ating turismo.
☻☻☻
Itinanghal naman ang Boracay bilang isa sa “world's greatest places in 2022” ng international news magazine na Time.
“Paradise reborn” ang turing sa Boracay ng writer nitong si Charlie Campbell. Matatandaang isinarado ang isla noong 2018 para sa rehabilitasyon at nagsarado ulit nang manalasa ang COVID-19 pandemic.
Nang magbukas ulit sa turismo ang isla nitong taon, “International visitors can finally revel in this revamped, recuperated, natural playground after what was effectively a three-year convalescence. Locals report the return of flora and fauna, like sea turtles, and hospitality has come back just as spectacularly,” ayon kay Campbell.
☻☻☻
Upang makatulong sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng ating tourism industry ay muli nating inihain ngayong 19th Congress ang Tourism Officers Act.
Malaking tungkulin ang ginagampanan ng ating tourism officers lalo na pagdating sa tourism development, promotion at marketing ng kanilang mga nasasakupan. Ngunit, nakalulungkot na may mga tourism officer na hindi permanente sa kanilang posisyon, na minsan ay seconded pa mula sa kanilang orihinal na trabaho.
Minsan naman ay kasama sila sa mga napapalitang empleyado ng LGU dahil na rin sa pagbabago ng administrasyon, kung kaya’t hindi nagiging madali ang koordinasyon ng DOT, ng regional offices nito at ng LGU.
Nais ng ating panukalang batas na masolusyunan ito sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Local Government Code upang mabigyan ng permanenteng posisyon ang ating tourism officers. Sa kasalukuyan, hindi kasama ang tourism officer sa listahan ng mga itinakdang permanenteng opisyal na dapat magkaroon ang bawat LGUs.
Mareresolba rin nito ang nakasaad sa Tourism Act of 2009 na nagbibigay ng permanenteng posisyon para sa mga tourism officer ng lalawigan, lungsod o munisipalidad na importanteng industriya ang turismo.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay
Коментарі