ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 24, 2024

Excited si Barbie sa kanyang pagganap sa bagong karakter na si Tisay, isang singer at sugarol na maaaring magdala ng suwerte o patung-patong na kamalasan sa buhay ni Tanggol.
“I am very grateful and thankful to the whole staff of Batang Quiapo especially kay Direk Coco dahil ako ang napili nila na mag-play ng role ni Tisay,” sabi niya.
Handa na rin sa bakbakan si Barbie kung sakaling may ipapagawang action scenes para sa kanyang role.
“I tried muay thai and boxing para lang ready ako if ever may pagawing action scene sa akin si Direk Coco. ‘Yun [action] talaga ‘yung genre na gusto kong ma-try because I’ve never done it before. I’m very excited,” dagdag niya.
Sa kasalukuyang kuwento ng BQ, mukhang magkakatotoo na ang pagyaman ni Tanggol matapos niyang mag-uwi nang milyun-milyong halaga ng pera nang talunin si Tisay sa pagsusugal.
Huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page ng ABS-CBN Entertainment.
May hanash ang content creator na si Ogie Diaz sa mga ahente ng insurance na magaling lang sa simula at kapag nakuha na ang komisyon ay nawawala na at hindi na makontak.
Post ni Ogie sa kanyang Facebook (FB) account, “Du’n sa mga nag-aalok ng life insurance man ‘yan o health insurance, sana, ‘di kayo nawawala after you got all your commissions.
“Puro kayo lip service. “At your service” lagi, pero nagla-lapse na ‘yung insurance policy, ‘di ka man lang i-remind ng advisor mo. Ang ending tuloy, sariling kilos ka na lang. At ang nakakaloka pa, ‘pag tinatawagan mo ‘yung halos magmakaawang bentahan ka ng insurance, sasabihin na lang sa ‘yo, nag-resign na pala s’ya at iba na ang trabaho n’ya. Juice ko po, andaming ganyan.
“Mga sa umpisa lang magaling ‘yung iba, pero ikaw na bahala sa buhay mo after 2 years, ‘pag nakuha na ang komisyon nila.
“Kinuha ko na nga ‘yung iba, pinul-out ko na, kasi grabeng lugi at bagsak. Imbes na kumita, nabawasan pa ‘yung pera mo. (‘Wag n’yo na akong hingan ng clue. Basta next time, mag-due diligence na lang kayo para malaman n’yo kung aling insurance company ang palpak at kung alin ang maayos).
“Kaya maganda lang talaga ang insurance ‘pag 'andu’n ka pa sa paying period, eh. Na whatever happens to you bilang policy owner within the paying period, bongga ang maiiwan mo sa family mo.
“Anyway, thank you na rin, dahil hindi pa kami tegi. At thank you na rin at meron namang nagre-remind sa text at sa email. Kaso, nangangawala na silang mga nagmamakaawa before na kunan sila ng insurance. Hahaha!
“Kaya du’n sa mga mag-aalok ng insurance sa ‘kin, ‘wag n’yo nang tangkain, dahil andami ko nang binabayaran habang nawala na ‘yung ibang financial advisors mo. Queen inang buhay ‘to.”
Hmmm… may ideya kami kung ano'ng insurance company ito dahil ipinakita sa amin dati ni Ogie kung gaano karami o mahigit isang dangkal ang kanyang insurance policies pero sabi niya, hindi raw ‘yung ipinakita niya kundi iba pang kilalang kumpanya na sobrang gaganda ng offer pero waley na.
“‘Wag kang kukuha ng (name ng company), bagsak ngayon, hindi lang nila maamin,” sabi ni Ogie sa amin habang isinusulat namin ang balitang ito.
Naku, marami rin kaming kilalang kumuha ng life insurance nila sa kumpanyang ito, lagot.
Comments