top of page
Search
BULGAR

Pasok sa mga best dressed sa GMA Gala… MARIAN, P2.8 M ANG SUOT, HEART, P16 M NAMAN!

ni Nitz Miralles @Bida | July 24, 2023



Kabilang si Marian Rivera sa Preview's Best Dressed List sa ginanap na GMA Gala Night 2023 noong Sabado, July 22 sa Marriott Hotel sa Pasay City. Kasama rin sa listahan sina Heart Evangelista, Barbie Forteza, Michelle Dee, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara at Anne Curtis.


Ang Preview din ang naglabas ng mga prices at nag-describe ng suot ni Marian, mula sa lace-trimmed satin and tulle gown na galing sa New York-based bridal label na Danielle Frankel na ang approximate cost daw ay P849,135.


Ang Multi Choker ay nagkakahalaga ng P1,011,044.26 and a pair of earrings mula sa sikat na French luxury brand na Messika Jewelry costs P185,764.


Ang dalawang bangles ni Marian na from Graff ay nagkakahalaga ng tig-P361,218 each, habang ang approximate price naman ng Preview para sa Anya Hindmarch clutch ay P40,031. At ang suot nitong Valentino white sandals ay nasa P54,206.


Ayon pa rin sa Preview, ang total cost ng suot ni Marian sa naganap na GMA Gala Night 2023 ay nasa P2.8 million!


Ang daming magagandang captions sa mga photos ni Marian sa GMA Gala, pero walang tatalo sa caption ng kanyang mister na si Dingdong Dantes na: “Tonight, I wore an overflow of my wife’s ethereal beauty.”


Tom Ford suit naman daw ang suot ni Dingdong that night na nag-complement sa suot ni Marian.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page