ni Mabel G. Vieron @Gulat Ka 'No?! | August 22, 2023
Engganyung-engganyo ang kabataan ngayon sa playground lalo na sa swing, ang ilan nga ay nagwawala at umiiyak ‘pag ‘di sila napagbibigyang maglaro.
Pero, kung patagalan naman sa swimg ang pag-uusapan, ibahiin natin si Richard Scott, 53- anyos, na kasalukuyang nakatira sa U.K, dahil nagtagal lang naman siya ng 36 hours and 32 minutes na nagpaduyan-duyan.
Nagsimula siya noong Mayo 14, 2022 alas 6:10 ng umaga, sa Loch Leven’s Larder playground at natapos siya ng Mayo 15 ng gabi.
Upang hindi makasama sa kanyang kalusugan ang record breaking attempt, pinahintulutan siya ng Guinness na magkaroon ng 5 minutes break sa kada isang oras ng pag-upo sa swing. Inipon lamang ni Scott ang kanyang breaktime upang umidlip sa loob ng 12 minutes.
Ayon ka kanya, malaki ang naitulong ng kanyang pag-idlip kaya nakatagal siya ng 36 hours sa swing.
Matagumpay na napasakamay ni Scott ang titulong kanyang pinaghirapan dahil na-beat niya lang naman ang previous record holder na si Quinn Levy na tumagal ng 34 hours sa kanyang swing marathon.
Mapapanood ang 36 hours marathon ni Scott sa Facebook page ng Rotary Club of Kinross and District.
Pagbabahagi ni Scott, bata pa lang umano siya ay pangarap na niyang mag-swing marathon. Bukod dito, malaking karangalan para sa kanya ang mabasa ang sariling pangalan sa Guinness Book of World Records.
Grabe, mga ka-BULGAR, biruin mo ‘yun, ‘di naging hadlang ang kanyang edad sa gusto niyang gawin, hindi kaya biro ang 36 hours and 32 minutes na magpaduyan-duyan, kalahating oras ka pa nga lang ay mangangayaw ka na dahil sa pagkahilo. Pagbati para kay Scott!
Comments