ni Thea Janica Teh | October 6, 2020
Pansamantalang ititigil ang operasyon ng Pasig River Ferry Service ngayong Martes matapos mapuno ng water lily ang Pasig River.
Ayon kay Irene Navera ng Pasig River Ferry Service central administration, Sabado pa nang ipatigil ang operasyon dahil makasisira umano sa bangka ang mga water lily kapag pumulupot sa propeller.
Dagdag pa ni Navera, dumadami ang water lily sa buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre dahil ito rin ay panahon ng tag-ulan. Sa ngayon ay hindi pa nito masabi kung kailan babalik sa operasyon ang ferry service.
Commentaires