top of page
Search

Pasaway sa ECQ, aarestuhin

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2021



Papairalin ang mas mahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila simula sa Agosto 6 kumpara sa dating ipinatupad na ECQ restriction, ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.


Aniya sa isang panayam, huhulihin na rin ang sinumang lalabag sa ipinatutupad na minimum public health standards at magpapakalat din ng mga pulis sa mga mataong lugar. Aniya, “Mas mahigpit tayo ngayong ECQ na 'to.


Ang tawag nga natin hard lockdown… Kung may makikita riyan [na violator], talagang aarestuhin ng ating mga pulis.”


Nilinaw naman ni Año na babalaan muna ang mga violators ngunit kapag hindi pa rin sila sumunod sa awtoridad ay saka sila aarestuhin. Depende rin umano ang magiging penalty base sa ipinatutupad na ordinansa ng nakasasakop na local government unit sa mga violators.


Samantala, inatasan na rin ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang National Capital Region Police Office (NCRPO) na maging istrikto sa pagpapatupad ng mas mahabang curfew hours sa rehiyon na magsisimula nang alas-8:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.


Aniya pa, “The strict border control and the longer curfew hours are but some of the necessary interventions to prevent the spread of the Delta variant of COVID-19.”

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page