ni Mylene Alfonso | March 22, 2023
Ihihirit ni Speaker Martin Romualdez na ipatupad sa buong bansa ang "one-strike policy" sa Philippine National Police (PNP) o agarang pagsibak sa puwesto ng mga ninja cops o mga pulis na sangkot sa krimen lalo na sa hulidap pati na ang kanilang commander.
Muling kakausapin ni Romuladez ang pamunuan ng PNP matapos madismaya sa pagkakasangkot umano sa hulidap ng 13 opisyal ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) National Capital Region (NCR) sa nagreklamong grupo ng Filipino-Chinese businessmen kamakailan.
“Nananawagan akong paigtingin pa natin ang one-strike policy sa kapulisan at gawin ito sa buong bansa. Kung sangkot sa krimen ang isang pulis na nasa presinto, dapat sibakin din agad ang station commander nito,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
“If you are the commander, dapat alam mo ang kilos ng mga tao at all times,” dagdag pa ni Romualdez.
Sinibak sa puwesto ni CIDG director Police Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. ang 13 opisyal, kabilang si CIDG-NCR chief Police Col. Hansel Marantan na nagsumite na rin ng kanyang courtesy resignation alinsunod sa command responsibility.
Comments