ni Gerard Arce @Sports | April 11, 2024

Mga laro bukas (Biyernes)
(Filoil EcoOil Arena)
7:30 a.m.- San Beda vs CSB (men)
10 a.m.- San Beda vs CSB (women)
2 p.m.- SSC-R vs LPU (women)
5 p.m.- SSC-R vs LPU (men)
Sumandal sa balanseng atake ang Jose Rizal University Lady Bombers upang pataubin ang Emilio Aguinaldo College Lady Generals sa pamamagitan ng straight set sa 25-20, 25-20, 25-23, kahapon upang makuha ang unang panalo sa 99th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa San Andres Gymnasium sa Malate, Manila.
Nagpamalas ng mahusay na pagmamando sa opensa si Inday Laurente ng pamunuan ang atake ng Lady Bombers kasunod ng 13 excellent sets, kung saan naging pinakamalaking nabahagian si Karyla Jasareno na tumapos ng 13 puntos upang makabawi sa unang laro laban sa University of Perpetual Help Altas sa bisa ng 25-14, 25-14, 25-21 straight set nitong nagdaang Linggo.
“Nadistribute ni Inday ng mabuti yung bola. Wala siyang specifically sinasabihan na pag set niya ng bola, ibato mo dito,” wika ni JRU coach Mia Tioseco. “It’s more of basta kailangan ng points, kung sino nasa harap dun niya bibibigay yung bola,” dagdag ni Tioseco.
Naging malaking tulong rin ang siyam na puntos na ambag ni Mary May Ruiz upang bigyan ang tropa ni Tioseco ng unang panalo, kung saan nagbigay sa JRU ng kapabalidad na kayang kaharapin ng koponan ang anumang pagsubok na pagdaraanan sa mga susunod na laro.
“I’m happy they get to feel and ma-realize nila yan ang game nila,” wika ni Tioseco, na paunti-unting kinakapa ang grupo kasunod ng isinagawang rebuilding sa pagkakawala ng mga mahahalagang manlalaro sa nagdaang seson habang nakikipagpambuno para sa pwesto sa Final Four. “We want to make the Final Four, but more importantly, I also want the younger ones to be able to fight during games, laban lang sila dapat,” saad ni Tioseco.
Comments