top of page

Parvo Virus sa mga dog, ‘wag balewalain

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 27, 2020
  • 2 min read

ni Thea Janica Teh | July 27, 2020




Man’s bestfriend kung ituring ang mga aso kaya naman gusto natin na well-groomed, energized at healthy sila. Ngunit, marami itong kalaban na sakit, isama na rin ang mga garapatang feeling bampira na walang sawang sumisipsip ng dugo nila. Maaari silang maimpeksiyon mula rito, pero may mas matinding kalaban ang mga aso at ito ay ang Canine Parvovirus o mas kilala bilang parvovirus. Isa ito sa mga pinaka-deadly na sakit ng mga aso. Ano nga ba ang parvovirus at ano ang mga sintomas nito?

Ang Canine Parvovirus ay isang infection na kumakalat in 2 types, sa intestinal form at cardiac form, pero mas tumatama sa karamihan ng mga aso ang intestinal form. Ang mga sintomas nito ay pagkawala ng ganang kumain, pagsusuka at pagdurumi ng malansang amoy, lagnat at mabilisang pagbaba ng timbang. Karamihan ng mga tinatamaan ng ganitong sakit ay ang mga tuta na hindi pa nababakunahan. Kaya naman ito ang ilan sa mga home remedy na puwede nating gawin o paunang lunas para makatipid at gumaling agad ang alaga nating aso:

WATER THERAPY. Isa sa mga sanhi ng pagkamatay ng aso sa sakit na ito ay dehydration kaya palaging painumin ng tubig ang ating mga alaga. Kung pahirapan silang painumin ng tubig, maaari tayong gumamit ng dropper o syringe para diretso na ito sa bibig. Nakatutulong din na haluan ang malamig na tubig ng asukal na nakababawas ng pagsusuka.

RAW EGGS. Pakainin ng hilaw na itlog ang mga aso, makakakuha kasi rito ng protina na makatutulong para agad silang gumaling. Siguraduhin lang na mahalong mabuti ang puti sa pula dahil baka maging sanhi ito ng salmonella na makadaragdag pa sa paghihirap ng aso.

FLAVORED ORAL REHYDRATION SOLUTION. Karaniwan itong pinaiinom sa atin tuwing nakararanas tayo ng diarrhea pero puwede rin pala ito sa ating mga aso. May kaunting kamahalan nga lang pero huwag mag-alala dahil puwede tayong gumawa ng homemade nito! Ang mga kailangan lang ay 1 tsp. of salt, 6 tbsp. of sugar. Ihalo ito sa 1 quart of water hanggang sa matunaw. Ilagay ito sa ref at palamigin. Tulad lang din ito ng mga nabibili nating flavored drink kaya swak na swak ito para sa ating mga aso.


SOFT FOODS. Hainan ng kanin na may halong pinaglagaan ng manok ang ating alagang aso. Malalaman dito kung kaya na ba nilang kumain. Kung kumakain na sila, ibig sabihin, gumaan na ang pakiramdam at gumagaling na ito. Kung hindi pa rin, ipagpatuloy lamang ang pagpapainom ng homemade rehydration solution.

Paalala, ito ay mga paunang-lunas lamang. Importante pa rin na kumonsulta sa beterinaryo kung umabot na ng halos 10 araw na hindi pa rin tumitigil ang mga nakitang sintomas. Kung may budget naman para sa alaga, mainam na pabakunahan na ito agad para hindi nila ito maranasan at hindi sila nito dapuan.

Siguraduhin lang din na i-disinfect ang buong bahay o kung saang parte ng bahay dumumi o sumuka ang aso, maaari kasing kumalat ang virus at tumagal pa ng ilang buwan.

Magandang alagaan ang ating aso kung paano natin alagaan ang ating mga sarili lalo na ngayong pandemic para healthy din sila at masiglang mababantayan ang ating bahay.

टिप्पणियां


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page