ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Jan. 27, 2025
Dear Chief Acosta,
Sa araw-araw na paggamit ko ng mga ride-hailing applications sa pagpasok ko sa aking trabaho, minsan ay nakakaengkuwentro ako ng ilang mga drayber o rider na nagsasabing wala silang panukli. Nagiging palaisipan tuloy sa akin, wala bang nalalabag na batas ang intensyonal na hindi pagbibigay ng sukli? Nais ko sanang maliwanagan. Maraming salamat. – Jamily
Dear Jamily,
Patakaran ng Estado na protektahan ang interes at itaguyod ang kapakanan ng mga mamimili at mapanatiling maayos ang mga pamantayan na sinusunod ng mga pribadong negosyo o industriya. Binibigyang halaga rin ng ating pamahalaan ang pangangalaga sa mga consumer laban sa mapanlinlang at hindi patas na mga gawain ng mga nagnenegosyo.
Ang Republic Act No. 10909 (R. A. No. 10909) o mas kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016” ay sumasakop sa lahat ng business establishments o mga negosyo na nagbebenta ng produkto o nagbibigay ng serbisyo. Sa katunayan, ang Seksyon 3(a) ng nasabing batas ay binigyang depinisyon ang mga business establishment:
“Section 3. Definition of Terms. - For the purpose of this Act, the following terms shall mean:
(a) Business establishment – any person, natural or juridical, whether single proprietorship, partnership or corporation, including a government-owned and -controlled corporation or a government entity exercising its proprietary functions, engaged in, or doing business in the Philippines, either in selling goods or providing services;”
Batay sa nasabing depinisyon, ang iba’t ibang mga pampasaherong sasakyan ay mga business establishments o negosyo, bilang sila ay nagbibigay ng serbisyo kapalit ng halaga. Samakatuwid, ang mga namamasadang drayber o rider ay sakop ng nasabing batas.
Ayon sa Seksyon 4(a) ng R. A. No. 10909:
“Section 4. Regulated Acts. - It shall be the duty of the business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same.
(a) In General.— It shall be unlawful for any business establishment to shortchange a consumer, even if such change is only of a small amount. Nothing in this Act shall be construed as a restriction for business establishments to give an amount greater than the sufficient change.”
Samakatuwid, tungkulin ng mga business establishments na magbigay ng eksaktong sukli sa kanilang mga pasahero, kahit na hindi ito hingin sa kanila. Higit ding ipinagbabawal ng batas sa mga nasabing establisimyento o negosyo na mag-shortchange o bawasan ang sukli ng kanilang mga mamimili, kahit na ang sukli ay maliit na halaga lamang.
Para sagutin ang iyong katanungan, ang mga drayber o rider na intensyonal na hindi nagbibigay ng sukli ay maaaring managot sa batas. Ang akto ng hindi pagbibigay ng sukli, o pagbabawas ng sukling ibibigay, gaano man ito kaliit ay ilegal.
Dagdag pa rito, ang sinumang mapatutunayan na lumabag sa nasabing probisyon ng batas ay maaaring pagbayarin ng multa. Ayon sa Seksyon 6 nito:
“Section 6. Penalties. - Any violation of this Act as determined by the DTI under Section 5 hereof shall be punished as follows: for the first offense, a violator shall be fined five hundred pesos (P500.00) or three percent (3%) of the gross sales of the business establishment on the day of the violation, whichever is higher; for the second offense, a violator shall be fined five thousand pesos (P5,000.00) or five percent (5%) of the gross sales of the business establishment on the day of the violation, whichever is higher; for the third offense, a violator shall be fined fifteen thousand pesos (P15,000.00) or seven percent (7%) of the gross sales of the business establishment on the day of the violation, whichever is higher, and the license to operate of the business establishment shall be suspended for three (3) months; and for the fourth offense, a violator shall be fined twenty-five thousand pesos (P25,000.00) or ten percent (10%) of the gross sales of the business establishment on the day of the violation, whichever is higher, and the license to operate of the business establishment shall be revoked.
In addition to the amount of the fine mentioned above, the total amount of change the establishment failed or refused to give, as determined from the audit of the DTI, shall be paid by the said establishment to the complainant.”
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comentários