top of page
Search
BULGAR

Parusa sa paglabag sa ‘Anti-Financial Account Scamming Act’

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Nov. 5, 2024



Magtanong kay Attorney ni Atty. Persida Acosta

Dear Chief Acosta,


Isa akong senior citizen. Noong nakaraang taon ay nagbukas ako ng account sa isang bangko kaugnay ng pagkuha ko sa kanila ng auto loan, at naka-enroll sa auto-debit arrangement.  Kamakailan lamang ay may tumawag sa akin na nagpakilalang empleyado ng nasabing bangko at ako ay pinaalalahanan niya hinggil sa parati kong due date sa nasabing auto-loan.  Dagdag pa niya na hindi naproseso ang ibinayad ko noong nakaraang buwan dahil nagkaroon ng problema ang aking account.  

Batid niya na kaya niya akong tulungang ayusin ito at ipatanggal ang interes at penalty dahil sa kabiguan ko diumanong magbayad ng aking amortization sa tamang panahon. Dahil sa taranta ko ay ibinigay ko sa kanya ang hinihingi niya sa aking bank account number, kumpletong pangalan, at enrolled email at password ko sa aking online banking account.  Huli na nang mapagtanto kong maaaring manloloko ang tumawag sa akin. Nais ko sanang malaman kung mayroon bang puwedeng magsiyasat sa nasabing pangyayari at kung mayroong maaaring kasong kriminal na maisampa laban sa nasabing tumawag sa akin.


— Efren


Dear Efren,


Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Republic Act (R.A.) No. 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA).


Ayon sa Section 12 ng nasabing batas, ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay may kapangyarihang magsiyasat at mag-usisa sa mga financial account na may kinalaman sa paggawa ng mga ipinagbabawal na gawain o offense sa ilalim ng Sections 4 at 5 ng nasabing batas. Kaya:


“Section 12. Investigation and Inquiry into Financial Accounts. - The BSP shall have the authority to investigate and inquire into Financial Accounts which may be involved in the commission of a prohibited act or offense under Sections 4 and 5 hereof. The provisions of Republic Act No. 1405, as amended; Republic Act No. 6426, as amended; Republic Act No. 8367; and Republic Act No. 10173 shall not apply to Financial Accounts subject of BSP’s investigation. Xxx.”


Kaugnay nito, ayon sa Section 4 ng nasabing batas, ang mga sumusunod ay bumubuo sa financial account scamming sa ilalim ng batas:

“Section 4. Prohibited Acts. - The following acts shall constitute Financial Account scamming under this Act:

xxx


(b) Social Engineering Schemes. - A social engineering scheme is committed by a person who obtains sensitive identifying information of another person, through deception or fraud, resulting in unauthorized access and control over the person’s Financial Account, by performing any of the following acts:

(1) Misrepresenting oneself as acting on behalf of an Institution, or making false representations to solicit another person's sensitive identifying information; or xxx


Ang paglabag nito ay may kaakibat na parusa ayon sa Section 16 ng nasabing batas:


“Section 16. Penalties. - xxx

(b) A person found guilty of any of the prohibited acts enumerated under Section 4(b) shall be penalized with imprisonment of not less than ten (10) years but not more than twelve (12) years, or a fine of at least Five hundred thousand pesos (P500,000.00) but not exceeding One million pesos (P1,000,000.00), or both, at the discretion of the court: Provided, That the penalty of not less than twelve (12) years but not more than fourteen (14) years of imprisonment, or a fine of at least One million pesos (P1,000,000.00) but not more exceeding Two million pesos (P2,000,000.00), or both, at the discretion of the court, shall be imposed if the target or victim of the acts enumerated in Section 4(b) is a senior citizen at the time the offense was committed.”


Base sa nabanggit, ang pagpapanggap bilang kinatawan ng isang bangko, sa paraan ng panloloko o pandaraya, upang makakuha ng mga sensitibong impormasyon at hindi awtorisadong access at kontrol sa iyong Financial Account ay paglabag sa nabanggit na batas kaugnay sa Social Engineering Scheme. Ang BSP ang may kapangyarihang mag-imbestiga kaugnay dito. Ang sinumang lumabag sa partikular na nasabing probisyon ng batas kung saan isang senior citizen na kagaya ninyo ang biktima ay may kaakibat na parusang pagkakakulong na hindi bababa sa 12 na taon pero hindi lalagpas sa 14 na taon at/o multa na Php1 million hanggang Php2 million.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page