ni Angela Fernando - Trainee @News | October 21, 2023
Kinondena ng Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON), ang posibleng parusang ipapataw sa mga jeepney driver na sumali sa protesta nitong Lunes, Oktubre 16.
Ayon sa PISTON, karapatan ng mga jeepney driver na ipahayag ang kanilang mga hinaing at mapakinggan.
"Sa halip na pakinggan at tugunan ang mga hinaing ng mga driver at operator tungkol sa kung bakit nauuwi sa welga, waring nais ng gobyerno na atakehin ang kabuhayan at karapatan ng mga manggagawa," pahayag ng PISTON.
Dagdag ng samahan, nasa batas na legal ang mga protesta sa ilalim ng International Labour Organization (ILO) Convention 87 na saklaw ang Pilipinas at ang mga manggagawa.
Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iimbestigahan ang mga drayber na nakiisa sa protesta laban sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Comentarios