ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 5, 2023
Dear Chief Acosta,
Sa mahal ng bilihin ngayon, ang una kong tinitingnan ay ang price tag ng mga produkto para malaman ang halaga nito kung pasok sa aking budget. Ganoon pa man, sa isang grocery store na aking napasukan, walang nakalagay na price tags sa mga produkto na kanilang tinitinda. May batas ba na sinusunod para rito? Salamat. - Buen
Dear Buen,
Ang sagot sa iyong katanungan ay matatagpuan sa Seksyon 4(c) ng Republic Act (R.A.) No. 10909 o “An Act Prohibiting Business Establishments from Giving Insufficient or No Change to Consumers and Providing Penalties Therefor”, na mas kilala bilang “No Shortchanging Act of 2016”, kung saan nakasaad na:
“Section 4. Regulated Acts. - It shall be the duty of the business establishment to give the exact change to the consumer without waiting for the consumer to ask for the same.
(c) Price Tags. — It shall likewise be the duty of business establishments to use price tags, when appropriate, indicating the exact retail price per unit or service which already includes the taxes applicable to the goods or services being offered. These establishments shall also put signs in conspicuous places within the establishments or reflect in the official receipts issued, the taxes incorporated in the retail price per unit of goods or services. This is to avoid misleading the consumers as to the exact price they have to pay for the goods or services and, consequently, the exact change due them.”
Ayon sa nasabing probisyon ng batas, inaatasan ang mga business establishments na gumamit o maglagay ng mga tamang price tags sa kanilang mga itinitinda na produkto o ibinibigay na serbisyo upang malaman ng mga mamimili ang eksaktong presyo ng nasabing produkto o serbisyo.
Karagdagan dito, ang mga business establishments ay inaatasan din na maglagay ng mga signs o nakasaad na sa kanilang mga resibo, ang buwis ay kasama na sa retail price ng bawat produkto o serbisyo nila. Kung kaya sa iyong nabanggit na sitwasyon, ang nasabing grocery store ay hindi sumusunod sa probisyon ng nabanggit na batas. Kung mapapatunayang nagkasala, siya ay maaaring mapatawan ng karampatang parusa ng naaayon sa R.A. No. 10909.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.
Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.
Comments