top of page
Search

Parusa sa busway, wa’ epek

BULGAR

by Info @Editorial | Jan. 22, 2025



Editorial

Nitong nakaraang linggo, nagsagawa ng operasyon ang Department of Transportation (DOTr) special action and intelligence committee for transportation sa EDSA busway kung saan ilang pasaway na motorista ang muling nasampulan.


Nasa 30 motorista na agad ang natikitan sa loob ng higit isang oras pa lamang na operasyon.


Halos non-stop ang napaparang motorista na kinabibilangan ng mga motorsiklo, kotse at provincial bus na ang ilan ay galing Bicol at pabalik na sa terminal sa Cubao.


Nabatid na sa first offense ay may multang P5,000; second offense – P10,000 plus one-month suspension ng lisensya at required mag-road safety seminar habang sa third offense ay P20,000 plus one-year suspension ng driver’s license. Sa ikaapat na paglabag naman ay P30,000 plus recommendation sa LTO para sa revocation ng lisensya.


Tila wa’ epek ang mga nabanggit na parusa dahil may mga pasaway pa rin. Barya lang ba sa kanila ang limang libong piso o sadyang kapalmuks lang at walang respeto sa batas?


Upang matugunan ito, kailangang mas higpitan ang batas, pati na rin ang masusing information campaign. 


Hindi maikakaila na ang EDSA busway ay may potensyal na maging solusyon sa matagal nang problema ng congestion sa kalsada, basta’t magiging disiplinado ang bawat isa. 


Hindi sapat na magkaroon lamang ng mga patakaran at proyekto, kailangan din ang kooperasyon at pag-unawa ng lahat.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page