ni Jasmin Joy Evangelista | February 16, 2022
Nasa 100 batang edad 5-11 ang nagpabakuna sa children’s party vaccination site sa Iba, Zambales nitong Martes (Feb. 15).
Iba’t ibang comic book characters at lobo ang sumalubong sa mga bata rito.
Mayroon ding party clowns na nagpe-perform habang ginagawa ang free face paints, at party giveaways habang naghihintay ang mga bata na mabakunahan kontra-COVID-19.
Hinikayat naman ni Dr. Maria Francial Laxamana, assistant health secretary, ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Mahalaga aniya na mabakunahan ang mga bata lalo na para sa mga batang magbabalik sa in-person classes.
Sinabi rin ni Laxamana na makatutulong ang pag-abot sa herd immunity upang mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya.
Samantala, nauna nang sinabi ni Dr. Noel Bueno, provincial health director, na papayagan sa bakunahan sa probinsiya ang ‘walk-ins’ para mas maraming mahikayat na mga magulang na dalhin ang kanilang anak sa mga vaccination sites.
Comments