top of page
Search
BULGAR

Party sa gitna ng pandemic, stop!!!

@Editorial | May 25, 2021



Tinatayang 54 residente mula sa 610 na nag-pool party sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City ang nagpositibo sa COVID-19.


Natuklasang nagkaroon ng pool party matapos mayroong nagpositibo sa COVID-19 noong Mayo 11.


Sa isinagawang panayam, nabuking na nagkaroon pala ng 3-day fiesta celebration, May 9-11, ang mga ito.


Nagkaroon ng improvised pool party — sayawan, inuman at videoke. Kung saan, nalabag ang mga health protocols.


Ang matindi, mismong fire truck pa umano ng lugar ang naglagay ng tubig sa inflatable pool at naganap ang inuman sa covered court.


Nasa 610 residente ang na-swab para sa COVID-19 kung saan 18 ang naghihintay ng resulta. Nasa 31 naman ang pinadala sa quarantine facility.


Inisyuhan naman ng show cause order ang barangay chairman.


Ni-lockdown na rin ang barangay nang 14 na araw.


Malinaw na lumabag sila sa protocols at inilagay sa alanganin ang kanilang buhay at maaari pang makapandamay ng iba.


Dapat na may managot mula sa mga nag-party hanggang sa mga kinauukulan na dapat ay naging mas mapagbantay at tinitiyak na umiiral ang mga panuntunan sa gitna ng pandemya.


Ngayong nangyari na ang hindi dapat mangyari, masaya pa rin ba?

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page