top of page
Search
BULGAR

Taklesa at bida-bida… SIGAW NG NETIZENS: KRIS AT SHARON, PANIRA KINA LENI AT KIKO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 27, 2022




Dismayado at imbiyerna ang ilang Kakampink na nakausap namin kina Kris Aquino at Sharon Cuneta dahil sa ginawang pag-eksena ng dalawa kamakailan sa kalagitnaan ng kampanya nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.


Naa-appreciate naman daw nila ang effort nina Kris at Shawie na makatulong sa kampanya nina VP Leni at Sen. Kiko, pero imbes nga naman makatulong, panira ang 'galawan' ng dalawa na gumawa ng ingay at umani ng samu't saring reaksiyon mula sa madlang pipol.


Una, 'yung pagre-react ni Ate Shawie sa paggamit sa kanta niyang Sana'y Wala Nang Wakas ni Atty. Salvador Panelo kung saan na-bash nga siya nang bonggang-bongga dahil 'madamot' ang naging tingin sa kanya ng mga tao.


Bagama't nag-sorry na ang Megastar, feeling ng iba, no choice lang ito kaya ginawa 'yun dahil naging nega nga naman ang image niya.


Pangalawa, ito namang si Kris, imbes nga ibida na lang ang mga ginawa ni VP Leni, isiningit na naman daw ang kanyang love life sa kampanya at pasimple ngang binanatan ang kanyang 'ex' na itago na lang natin sa pangalang dating QC Mayor Herbert Bautista, char!


Kahit daw hindi aminin ni Kris, obyus na gigil na gigil talaga ito kay Bistek dahil malaking sampal nga naman sa fez niya na hindi na siya pinili at pinakasalan, ngayon ay sa mortal enemy pa ng kanilang pamilya na mga Marcos lumundag ang senatoriable na si Mayor HB.


Feeling siguro ni Kris, sinaktan mo na 'ko, ininsulto mo pa. Awww!


Eh, sa panig naman ni dating Mayor Herbert, feeling namin, kaya rin ito lumipat sa UniTeam ay dahil dumistansiya na nga siya kay Kris na certified dilawan-Kakampink.


Kaya naman ang payo ng mga supporters nina VP Leni at Sen. Kiko, sana raw, kapag um-attend ng mga campaign rallies ang dalawa, rendahan ang bibig nila at i-briefing muna nang bonggang-bongga para hindi sumasablay ang diskarte ng Team Kakampink.


'Yun na!


 


NAGBIGAY ng opisyal na pahayag si Monsour del Rosario tungkol sa pag-alis ni Sen. Ping Lacson sa Partido Reporma.


Ayon kay Monsour, “Iginagalang ko ang desisyon ni Senator Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma. Siya ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taos-pusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Pilipino.


“Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang.”


Dagdag pa ng tumatakbong senador, “Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: ‘Ang aking katapatan sa alinmang paksiyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan.’


“At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa.”


Very vocal din si Monsour sa kanyang sinusuportahan, "Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise-Presidente Leni Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.


“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon.


“Dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Pilipino – lalaki man, babae, o bata – ay maisakatuparan.


“Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ito ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat.”


For his senatorial bid, ang advocacy ni Monsour Del Rosario ay ma-implement ang Healthcare Heroes Card for medical frontliners, pension for athletes, among many others.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page