ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 22, 2021
Lumikha ng pagdududa sa ilang netizens ang nai-post sa social media na larawan ni John Lloyd Cruz na kasama ang CEO at presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak at ang kanyang manager na kasosyo ni Maja Salvador sa Crown Artist Management na si Ms. Marilen Nuñez.
Ano raw ba ang ibig ipakahulugan ni JLC sa pakikipag-meeting niyang ito sa executive ng Kapamilya Network?
'Di ba't nakipag-meeting na rin siya sa executive ng GMA Films na si Annette Gozon-Valdez? Wala bang nabuong kasunduan sa offer sa kanya ng GMA Network? Nagdadalawang-isip pa ba si Lloydie sa kanyng paglipat sa Siyete?
Balitang dalawang projects ang ini-offer ng GMA-7 kay JLC, pero wala pa namang nagaganap na final negotiation.
Besides, hindi pa rin naman maayos ang schedule ni John Lloyd dahil marami pa siyang pinagkakaabalahan ngayon. Kaya, wala pa siyang commitment sa GMA Network.
Kaya ang tanong ng mga netizens, bakit ba nahihirapan pang mag-decide si JLC kung lilipat na siya sa GMA Network? Tuloy, nasasabihan siyang segurista at namamangka sa dalawang ilog.
Kaya, nalilito ngayon ang kanyang mga fans and supporters. Dapat ba, linawin ni John Lloyd ang tungkol dito dahil hindi maganda ang impresyon sa kanyang pagpapalit-palit at paglilipat-lipat ng kampong kakausapin para sa kanyang career?
Baka naman ang Crown Artist Management ang may problema sa aspetong ito?
Komentáře