top of page
Search

Parehong ex ni Janice, BFF na ngayon… JOHN AT AGA, NAG-BONDING SA RESORT NI WILLIE

BULGAR

Julie Bonifacio - @Winner | April 9, 2021




TIla may hangover pa si John Estrada sa ilang araw na bakasyon niya sa private resort ng kaibigang TV host na si Willie Revillame based sa kanyang latest Instagram posts.


Almost four minutes ang haba ng video na ipinost ni John sa IG na naglalaman ng mga aktibidades niya sa Wil's Cove Resort sa Lobo, Batangas.


Idinispley talaga ni John ang ilang bahagi ng resort ni Willie, pati na ang maroon chopper, jetski at mga yate ng TV host. Take note, mga yate, ha?!


Tatlong yate ang makikita sa video na ipinost ni John. Bukod sa tatlo, may isa pang yate na ibinenta ni Willie para ipantulong sa ating mga kababayan.


Actually, dalawang choppers ang napansin namin sa video ni John, isang kulay maroon at isang white and blue. Hindi lang kami sure kung kay Willie rin 'yung isa or sa iba pang guest sa private resort ng TV host.


Sa caption ay sobrang pasasalamat ni John sa pag-stay nila sa Wil's Cove na tinawag niyang "paraiso" for three days.


"Sa aking mahal na kapatid na Willie Revillame.... alam na naman siguro ng mga tao kung gaano ka kabait at mapagbigay na tao... ganunpaman, gusto ko pa ring magpasalamat sa 'yo at dinala mo ako at ang pamilya ko sa paraiso mo .....


"Salamat patid... salamat, ang saya talaga....nawa'y pagpalain ka pa at palakasin pa ng Panginoong Diyos ang iyong pangangatawan... mwah-mwah, tsup-tsup... " caption ni John sa kanyang IG post.


Pagkatapos ay binanggit at pinasalamatan din ni John si Aga Muhlach na nagbakasyon din sa private resort ni Willie.


"And to Mr. Aga Muhlach and family… maraming salamat sa pagkakaibigan.... labyu guys, kitakits soon. #FRIENDSWHOAREFAMILY," say pa ni John.


Aside from John's family (his wife Priscilla Meirelles, ang mga anak nila na babae at si Yuan na bunsong anak naman ni John kay Janice de Belen), nagbakasyon din sa resort ni Willie si Aga at the same time.


Kaya sa video ni John ay makikita ang ilang moments na nag-bonding ang mga ex-dyowa ni Janice na sina Aga at John with Willie.


May video rin nu'ng sumakay si Aga sa maroon chopper ni Willie na ang TV host din ang nagpalipad kaya tinawag ni John si Willie bilang Captain Wil.


Wala man doon si Janice, parang nandu'n na rin siya kasi kamukhang-kamukha ng aktres ang bunso nila ni John na si Yuan.


Maganda na rin sanang moment kung pati ang panganay na anak nina Aga at Janice na si Chef Luigi Muhlach ay isinama na rin ng aktor, para nakapag-bonding na rin sana ang half-siblings ni Janice sa private resort ni Willie.


Pinusuan naman ni Aga ang post ni John sa comment section.


Tila maraming celebs ang nasa Batangas recently, ha?


Sa Lobo, Batangas din nag-celebrate ng birthday si KC Concepcion with Gabby Concepcion (na BTW ay first love at ex-BF din pala ni Janice, hahaha!) and his family. Si Aga naman ay may bahay sa Mataas na Kahoy. At si Piolo Pascual, bising-busy sa pagpapatayo ng mansion niya sa kanyang sariling rest house sa Batangas.


Ooopps, magkaroon kaya ng chance na magkita sina KC at Piolo sa Batangas?


Let's wait and see.




0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page