ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | March 3, 2024

Inamin ni Jake Ejercito na nagkita na sila ni Albie Casiño at nagkakabatian naman sila.
Ito ang kuwento ni Jake sa panayam niya sa vlog ni Ogie Diaz Inspires na in-upload sa YouTube channel nitong Biyernes nang gabi.
“We see each other several times sa mga events or even sa mga labas, we bump into each other. Not that often,” simula ni Jake.
Nabanggit ni Ogie na naikuwento sa kanya ni Albie na nagkita nga raw sila ni Jake at siya ang unang bumati sa tatay ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie kaya natanong ito ng vlogger.
“Sinabi niya na wala naman daw kayong problema, ‘Wala naman tayong problema, pare?’ Ano’ng pakiramdam mo na ganu’n ang approach niya at ganu’n ka-okay?” tanong ni Ogie kay Jake.
“First time kasi na nagkita kami if I’m not mistaken, (mga) two years ago sa isang bar. ‘Yun nga, I was surprised na he was the one who approached me, at nagulat ako and ganu’n, we were able to clarify certain things.
“Hindi naman seryosong conversation o heart-to-heart, it was very casual and naging clear lang sa akin and sa kanya na walang bad blood between us. Wala akong naging problema sa kanya ever and I hope wala rin siyang naging problema sa akin, at all goods,” paglalarawan ni Jake kung paano sila nag-usap ni Albie.
Sina Albie at Jake ay parehong ex-boyfriends ni Andi Eigenmann, at ang huli ang ama ng panganay niyang si Ellie Eigenmann Ejercito.
Magkasama ang dalawa sa Can’t Buy Me Love kaya tinanong ni Ogie kung nagkita na ulit sina Jake at Albie.
“Hindi pa kami nagkikita,”sambit ni Jake.
Samantala, laging viral ang photos ng mag-amang Jake at Ellie, dahil sa kulitan nilang dalawa na ayon sa aktor ay natutuwa siya sa dynamics nilang mag-ama, parang barkada o magkapatid lang, dahil nga 21 years old siya nang ipanganak ang anak, at hindi naman magkalayo ang kanilang edad.
Natanong ni Ogie kung paano ang schedule nilang magkita ng anak, lalo na kapag nasa Siargao ito. Pinupuntahan ba ito ni Jake?
“Since they (Andi and kids) moved to Siargao, wala nang fixed schedules. Dati kasi, meron nu’ng based pa sila sa Manila. Dati kasi, binibilang pa namin ni Andi ‘yung mga araw kung 14 days sa akin, dapat 14 days din sa kanya (natawa si Ogie). Oo, dati kasi we’re young and immature, kumbaga pride (umiiral).
“Pero ngayon, si Ellie na ang nagde-decide. Minsan kapag nasa akin siya, sasabihin niya, ‘Daddy, I miss mommy, I miss my siblings.’ Sabi ko, ‘Sige we’ll book a flight.’ Ganu’n din kapag nasa Siargao siya, sinasabi niya kapag gusto na niyang bumalik ng Manila. Usually, one month for me and one month with Andi,” kuwento ni Jake.
Hindi naman problema ito sa pag-aaral ni Ellie dahil naka-homeschool siya, kaya adjusted ang schedule. At kapag walang work si Jake ay siya mismo ang naghahatid at sumusundo sa anak sa Siargao.
Comments