top of page
Search

Parehong awardees… ALDEN, DUMATING, KATHRYN NO SHOW SA EVENT

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 14, 2025





Na-disappoint ang KathDen fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na umasang makita ang dalawa sa anniversary ng isang publication na pareho silang awardees. 

Si Alden lang ang dumating to grace the event at para tanggapin ang kanyang award. Wala si Kathryn na ang sabi, may TVC shoot at late na natapos, kaya ang mom na lang niya ang pumunta to receive her award.


May nagsabi namang isa sa mga rason kung bakit hindi dumalo si Kathryn ay dahil ang sponsor ng event ay kalaban ng bank na ini-endorse ng aktres. 


Ang bank na si Alden ang endorser ang isa sa mga sponsors ng event at hindi raw magandang tingnan na present si Kathryn.


Kaya, ayun, na-hopia na naman ang KathDen fans dahil hindi na naman nila nakita ang favorite love team nila. 


Well, nabawasan kahit papaano ang lungkot ng mga fans nang dumating si Mrs. Min Bernardo, ang mom ni Kathryn, at nagpakuha pa sila ng larawan ni Alden.


Umaasa uli ang KathDen fans na makitang magkasama ang KathDen sa gaganaping fashion show ng Bench dahil parehong endorsers ang dalawa. Si Alden, nag-photo shoot na,  pinaghahandaan at tiniyak ang pagrampa sa March 21, 2025 sa SM Mall of Asia Arena.


Si Kathryn ang tila wala pang paramdam kung rarampa sa “Bench Body of Work,” pero,

umaasa ang KathDen fans na darating siya. Wish pa nila na sana, sabay silang rumampa na kapag nangyari, marami ang matutuwa.


 

Si Shirley Kuan (SK) na nga ang manager ni Andrea Brillantes. Magkasama na sila nina Bea Alonzo at Albert Martinez sa management company ni SK. 

Nagulat si SK dahil naunahan pa siyang i-announce na talent na niya ang Kapamilya aktres, mabilis itong kumalat sa social media.


May meeting today si SK kay Cory Vidanes para pag-usapan ang management transfer ni Andrea at siguro, para malaman kung paano ang magiging takbo ng career ng aktres with a new manager and new management company.


Natawa si SK nang iparating namin ang comment ng fans ni Andrea na they expect more endorsements for the actress ngayong siya na ang manager nito. Gaya raw kay Bea na mula nang siya na ang manager ay nagkasunud-sunod ang endorsement at malalaking brands pa.


May mga ayaw lang na ilipat ni Shirley si Andrea sa GMA Network dahil gusto ng mga fans na sa ABS-CBN pa rin ang aktres. 


Gusto ng mga fans nito na Kapamilya pa rin siya at sa mga projects ng Star Cinema (sa movies) at sa TV show na airing sa Kapamilya channel pa rin siya mapapanood.

Ito siguro ang isa sa mga pag-uusapan nina SK at Cory at sa ABS-CBN pa rin si Andrea Brillantes dahil mapapanood siya sa Batang Quiapo (BQ).


 

HINDI lang pala sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo at Gabbi Garcia ang mga hosts ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition dahil pito ang mga hosts nito.

Bukod sa tatlong nabanggit, hosts din sina Enchong Dee, Melai Cantiveros, Alexa Ilacad, at Kim Chiu.


May mga nag-comment na masyadong maraming hosts ang PBB. Sa March 9, 2025, malalaman natin kung paano ang gagawin para hindi maging masikip ang stage para sa kanilang pito. 


Tanong ng mga netizens, lalabas at magho-host daw ba ang pito in one episode o salitan sila?


Si Gabbi lang ang host from Kapuso at may mga nag-react sa pahayag niyang dapat pumasok sa PBB si Barbie Forteza. 


Sabi ng mga fans, sa dami ng projects ni Barbie, tila hindi kakayanin ng schedule nito na mag-PBB pa siya at manatili nang ilang araw sa Bahay ni Kuya.


May naniwala namang kaya nasabi ni Gabbi na dapat pumasok sa PBB si Barbie ay dahil sa personality nito na masayahin at makuwento. Baka raw makatulong ang presence nito to lighten up the situation lalo na’t magkakasama bilang housemates ang Kapamilya at Kapuso talents.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page