top of page
Search

Paras, ibang-iba ang ang laro sa Japan

BULGAR

ni MC - @Sports | October 05, 2021




Ibang-iba ang larong ipinakita ni Kobe Paras sa Japan B. League kumpara sa laro nito sa Gilas Pilipinas na sumabak sa international competitions.


Sa B.League tila halimaw sa court ang 6-foot-6 na si Paras kung saan pinangungunahan nito sa laban ang kanyang team na Niigata Albirex BB. Ito’y matapos tulungan ni Paras ang Niigata sa makapigil hiningang 76-75 na panalo kontra sa Kyoto Hannaryz nitong Linggo sa City Hall Plaza Aore Nagaoka.


Naging malamig ang laro sa halos kabuuan ng laban, pero nagsalpak si Paras ng dalawang krusyal na jumper sa huling 3 minuto ng laro upang tapyasin sa tatlo ang kalamangan ng Kyoto, 75-72, habang may natitira pang 1:26 minuto.


Ang jumper ni Tshilidzi Nephawe sa natitirang 54 segundo ang nagpalapit sa kalamangan sa isang puntos at ang isang jumper ni Yuto Nohmi habang may tatlong segundo pa sa laban ang nagpanalo sa laro.


Umiskor si Paras ng 10 points sa 5-sa-14 na shooting sa field kasama ang 2 rebounds para sa unang tikim ng panalo niya bilang Asian import sa Japan. Umambag si Nohmi ng 16 points kasama ang naipasok na dalawa sa apat niyang three-point attempts at may tatlong assists.


Kumolekta rin si Rosco Allen ng 16 points, six dimes, at four rebounds para sa Albirex BB habang si Jeff Ayres at Zen Endo ay may tig- 10 para sa standing na 1-1. Sunod na haharapin ng Niigata sa road games ang team ni Thirdy Ravena na San-En NeoPhoenix (1-1) para sa dalawang game series sa Hamamatsu Arena.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page