ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 13, 2025
Photo: Kris Bernal - YT Channel
Napakabongga naman pala ng ipinapagawang mansion ng mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi sa Alabang.
Ipinasilip ng aktres sa kanyang latest vlog ang ongoing construction ng kanilang dream house na sa tantiya namin ay nasa 50% na’t makikita na kung gaano ito ka-grandiosa.
Sa hitsura pa lang ay tinatayang multi-million peso ang halaga ng mansion na tinawag nga nilang Casa Choi.
Noong 2023 pa sinimulan ang construction ng bahay at sey nga ni Kris, sobrang hands-on siya sa pagpapatayo nito.
“Very hands-on talaga ako rito sa construction ng house namin lalo na pagdating sa pagso-source ng suppliers, pagpipili ng mga tiles, ng mga kulay, raw materials, ako talaga lahat.
“Alam n’yo naman ako, ‘di ba? Kung sa negosyo ko, hands-on ako, sa lahat ng bagay, eh, alam n’yo na, involved talaga ako,” ani Kris.
Ang theme raw ng bahay nila ay modern Mediterranean na may 4 na palapag kasama na ang basement na kinalalagyan ng dirty kitchen at 6-car garage.
Isa sa pinakamahal na parte ng bahay ay ang grand entrance na full glass daw mula ground floor to 2nd floor.
“Isa ito sa pinakamahal na investment namin ni Perry,” sey ni Kris.
Isa-isang ipinasilip ng aktres ang bawat parte ng hindi pa tapos na mala-palasyong bahay kabilang na nga ang master’s bedroom, living room, dining area pati na ang kuwarto ng anak nila na si Hailee Lucca.
Ipinakita nga rin niya ang exterior and interior render ng bahay at sa totoo lang, nakakalula talaga sa pagka-bonggacious.
Komento nga ng isang viewer, parang bahay daw ng royal family.
Mababasa nga rin sa mga comments na excited na rin ang mga netizens na matapos ang mansion at inaantay na nga nila ang house tour vlog ni Kris once na natapos na ito.
Chiz, tawa lang nang tawa sa misis…
HEART, NAG-BAKE NG COOKIES, WALANG KUMAIN, TODO-HAGULGOL
Hindi matapus-tapos ang pag-iyak ni Heart Evangelista habang ikinukuwento ang kanyang sama ng loob matapos mag-bake ng cookies na wala raw pumansin.
Sa isang episode ng show niyang Heart World (HW) sa GMA-7, itsinika ng aktres ang masakit na karanasan habang katabi ang mister na si Senate President Chiz Escudero.
“Nag-try akong magluto ng pagkain, and then alam ko namang ‘di ako magaling magluto, pero tinry ko talaga ‘yung best ko,” ngumangalngal na sabi ni Heart.
Inaalo naman siya ng mister at natatawang tinanong kung ano raw bang luto ‘yun.
“‘Di ko na matandaan pero talagang nag-bake ako yata ng cookies, and then, parang wala silang reaksiyon,” patuloy ni Heart na iyak nang iyak.
Natawa naman si Sen. Chiz na tila noon lang narinig ang kuwentong iyon.
“Hurt na hurt talaga ako nang mga time na ‘yun,” patuloy ni Heart.
Pag-comfort naman ni Sen. Chiz, “Buti na ‘yung walang reaksiyon kesa sabihin, may reaksiyon nga, pangit naman.”
Sey ulit ni Heart na umiiyak pa rin, “Kasi, hindi talaga ako marunong magluto and for me, to try to learn to cook something is really hard.
“And then, nagluto talaga ako. Eh, parang dough pa s’ya, tapos kailangang i-ganu’n, eh, ang tigas-tigas.
“So, anyway, wala silang reaksiyon. Tapos, hindi nila tinitikman ‘yung cookies ko. So, hurt na hurt talaga ako nu’ng mga time na ‘yun. Sabi ko talaga, ‘Hindi talaga nila ako mahal!’”
Aliw na aliw kami na habang iyak nang iyak si Heart, eh, tawa naman nang tawa ang kanyang mister.
“Grabe naman ‘yung pagkakahugot nu’n,” natatawang sabi pa ni Senate President Chiz Escudero.
Comments