top of page

Parang retaso lang daw ang gown… JULIA, PARANG POSTE ANG KATAWAN, OOTD SA ABS-CBN BALL NILAIT

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 2 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | Apr. 7, 2025



Photo: Julia Barretto Helsa Studio - IG / Sharon Cuneta / Circulated


Hindi lang sa mga beauty pageants tutok na tutok ang maraming kritiko at bashers dahil kahit sa mga fashion events-balls tulad ng katatapos lang na ABS-CBN Ball kung saan may awrahan at pabonggahan ng mga gowns ay talagang nakabantay sila na para bang “their opinions matter”.


Hayan, nagte-trending nga sa socmed at talaga namang mainit na pinag-uusapan ang isinuot na gown ng mga dumalo sa ABS-CBN Ball.


Marami ang pumuri kay Anne Curtis na talaga namang agaw-pansin ang suot na red gown na may malalaking bulaklak na napakaelegante ng dating.


Napuri rin ang suot nina Julia Montes, Andrea Brillantes (na simple pero mala-Hollywood ang aura), Maymay Entrata, Nadine Lustre, Kim Chiu at Kathryn Bernardo.


Pero hindi talaga nawawala ‘yung may inookray ang mga netizens at isa na nga sa mga napagbalingan nila ay si Julia Barretto na simpleng gown lang na may hiwa sa tagiliran at ribbon sa harapan ang awrahan that night.


Bagama’t classy pa rin naman ang beauty ng girlfriend ni Gerald Anderson, hindi raw bumagay dito ang isinuot dahil mas nawala ang korte ng katawan at parang poste lang daw na binihisan.


May mga nagkomento ring parang retaso lang ang isinuot ni Julia sa sobrang kasimplehan at hindi raw pang-red carpet ng ABS-CBN Ball ang ganu’ng style at aura kundi pang-attend lang sa isang sosyal na party.


Well, hindi naman ito ang last ABS-CBN Ball, so puwede pa namang bumawi si Julia next year.


Sabi nga, better luck next time.



 

Guys, alam n'yo na…

JM: WALA NANG PUWEDENG SUMINGIT KAY FYANG


JAMPACKED ang ginanap na first anniversary concert ng all-male sing and dance group na Magic Voyz sa Viva Cafe last Sunday (March 30).


Halos wala na kaming maupuan sa dami ng guests na nanood na nag-enjoy naman kahit past midnight na natapos ang show.


Nasulit ang mga nanood sa dami ng performances ng Magic Voyz na level-up na sa pagkanta, pagsayaw at pag-entertain sa kanilang audience.


Kung nu'ng una silang ipinakilala sa press nang i-launch ang kanilang song na Bintana last year ay medyo nangangapa pa sila, ngayon ay todo-bigay na ang Magic Voyz at puwedeng-puwede nang isabak sa mga campaign sorties dahil nagtitilian ang mga babae at pati mga members ng LGBT sa kanilang performance.


May 8 members ang Magic Voyz na binubuo nina Jhon Mark Marcia, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones, Johan Shane (the composer of all songs), Asher Bobis at Jorge Guda, (new member).


Bukod sa Bintana, malakas din ang recall ng kantang ‘Wag Mo Akong Titigan ng Magic Voyz na under sa pangangalaga ng LDG Productions ni Mama Lito de Guzman at Viva Artists Agency.


Kung tama ang dinig namin, after their successful first anniversary concert, sa Music Museum na magpe-perform ang Magic Voyz sa June.

Wow, congrats!!!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page