top of page
Search
BULGAR

Parang nasa heaven on earth… Palawan, “Most Desirable Island” ng UK travel magazine!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | November 13, 2022


Isa na namang pagkilala ang natamo ng Pilipinas sa larangan ng turismo.


Ito ay matapos hirangin ng Wanderlust magazine ang isla ng Palawan bilang “Most Desirable Island (Rest of the World)” sa kakatapos lamang na 21st Wanderlust Travel Awards.


Kinikilala ang magazine bilang longest-running travel magazine sa United Kingdom at nangunguna sa pagpo-promote ng sustainable travel.


Pumangalawa sa listahan ang isla ng Tobago sa bansang Trinidad and Tobago, samantalang hinirang bilang pangatlo ang Viti Levu sa Fiji.


☻☻☻


“Escape to paradise” kung i-describe ng magazine ang Palawan, dahil para ka na ring nasa “heaven on earth” dahil na rin sa “sparkling waters and white sand beaches” ng pamosong islang ito.


“One of the most photographed sites is Kayangan, a dazzling freshwater lake with spectacular rock formations above and below the surface,” ayon sa magazine.


“Elsewhere on the island you can explore one of the world's longest underground rivers, enjoy a spot of twitching, or fuel up with some delicious cuisine in the island's capital of Puerto Princesa,” dagdag pa nito.


☻☻☻


Ayon din sa Department of Tourism (DOT), pang-anim ang ating Dive7 Program, na pakikipagtulungan ng ating ng Tourism Board at DOT-Central Visayas Office, sa Wanderlust Sustainability Initiative Category.


Nominated naman ang Cebu bilang Most Desirable Region (Rest of the World).


Nitong nakaraang buwan lamang ay umani rin ng pagkilala ang Palawan, Boracay at ilang hotel at resort bilang top destinations at accommodations sa international travel magazine na Conde Nast.


☻☻☻


Malaking tulong ang mga pagkilala na ito sa ating tourism industry, sapagkat kinikilala ng mga international travel stakeholders ang kagandahan ng ating bansa.


At siguradong makatutulong ito upang humatak ng mas marami pang turista sa susunod na taon at makaeengganyo pa ng karagdagang turista upang iangat ang bilang ng foreign tourist arrivals mula sa tinatayang 1.9 milyong na bumisita mula Enero hanggang Nobyembre 2022.


Binabati natin ang lahat ng tourism stakeholders sa ating bansa sa pagkilalang ito. Ipagpatuloy natin at lalong paghusayan pa, upang lalo pang umangat ang tourism industry ng Pilipinas!


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page