top of page
Search
  • BULGAR

Parang kay KC lang? SHARON, TODO-PROMOTE NG CONCERT NILA PERO NO MENTION SA NAME NI GABBY

ni Julie Bonifacio @Winner | September 18, 2024



Showbiz News

Despite the rumors na mahina ang benta ng mga tiket sa concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion abroad, tuloy na tuloy pa rin ang show ng mga magulang ni KC Concepcion sa USA at Canada.


Ipinost ni Megastar sa Instagram (IG) ang video material as promotional campaign ng kanilang show abroad. May video sina Sharon at Gabby na nag-iimbita, separately.

And then, may ipinost din si Mega na art card na naglalaman ng schedule/venue ng kanilang concert sa USA and Canada.


Sey ni Sharon sa video, “I know a lot of you have been waiting for us to confirm the rumors. I would like to (see) every one of you in North America, in the USA and Canada, in October and November 2024 for the Dear Heart concert tour.” 


Take note, ‘di binanggit ni Sharon ang name ni Gabby sa kanyang video message. 

Ano ito? Parang name lang ni KC na ‘di rin maisulat ni Sharon?


Anyway, mensahe naman ni Gabby sa mga fans nila ni Sharon, “Meron po kaming magandang balita. Ang Dear Heart concert tour ay matutuloy na po nitong October at November 2024, kasama ko po si Sharon. Take care guys, hope to see you soon.”

Na-excite naman ang mga followers/fans ni Sharon sa ipinost niya.


Sey nga mga fans:


“Omgggg! The most-awaited announcement is finally here! The best news from our beloved Dear Hearts! Yay, together again!”


“Wow, may pa-Hawaii pa, mga cousins & Tita ko du’n, manonood sila.”

“YESSSS AT DUMAMI PA NGA.”

“Wow, grabe talaga ang SG, walang makakapantay, 8 venues na, congratulations po MEGA & Papa (bear emoji).”


May netizen naman ang nagsabi na si Gabby ay isa nang ganap na Concert King.

“Jusko, kadami ng concerts! (Not that I’m complaining). Nawa’y maitawid n’yo po lahat ng maayos. Ito na nga ata ang magpapatunay na isa nang ganap na Concert King si Mr. @concepciongabby, akalain mo nga naman. Hehehe! Best of luck to the both of you and the whole production team!”


Samantala, na-excite rin ang mga followers ni Sharon sa isa pa niyang post sa IG. Ito ay ang plano niya na magsulat ng libro tungkol sa buhay niya. 


Nakalagay sa IG ni Mega ang screenshot caption mula sa kanyang Facebook (FB) account, “I think I am ready. To start writing my book. Just need to collect my thoughts, and slowly, but surely, begin. Please, pray for me kasi am so busy taping pa! (happy emojis)”


Tiyak na magiging mabentang-mabenta ang mga librong gagawin ni Mega. Teka, baka singilin siya ni Gabby kapag nandoon ang name niya?


Hmmm… if that’s the case, no mention na lang ng name ni Gabby Concepcion para safe. 


What about ang pangalan ni KC Concepcion? Baka puro “panganay na anak” na lang ang mabasa sa libro.


Aguy! 


 

DESERVE ng malakas na palakpak ang ipinakitang husay sa pag-arte ni Charo Santos sa isang eksena niya sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) noong Lunes.

Hugot na hugot ang emosyong galit si Charo at pagbigkas niya ng linyang “Mga hayop sila!”


Natikman ng karakter ni Charo na si Tindeng ang lupit ni Bettina (Tessie Tomas) sa sikat na serye pagkatapos siyang ipakaladkad at ipakulong sa kuwadra dahil sa pagiging malapit kay Facundo (Jaime Fabregas).


Sa Episode 413, sinugod ni Bettina si Tindeng matapos makitang suot nito ang damit na iniregalo ni Facundo.  


Maliban sa pananakit at pagkaladkad ay ikinulong din sina Tindeng at Noy (Lou Veloso).

“Impiyernong nagpapanggap na palasyo. Mga hayop sila, mga hayop, mga hayop sila!” sabi ni Tindeng habang nakakulong.


Sa Monday episode rin tuluyang hinuli si Santino (Ronwaldo Martin) matapos mapagbintangang siya ang pumatay kay Coach Gary (Levi Ignacio).


Mapapanood ang BQ sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC. 

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page