top of page
Search
BULGAR

Paraan para ‘di ma-trigger ang hika

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | April 09, 2021



Dear Doc. Shane,

Marami sa aming lugar sa probinsiya ang madalas magpausok ng natutuyong dahon kapag hapon o umaga. Kapag nakasisinghot ako nito ay sinusumpong ako ng hika. Ano ba ang dapat kong gawin? – Minda


Sagot

Narito ang ilang bagay na puwedeng gawin ng mga tao para protektahan ang kanilang sarili:


Kung nakakaamoy na ng usok, bawasan agad ang mga aktibidad sa labas. Lalong mahalaga ito kung may mga problema sa kalusugan (halimbawa, taong may sakit sa puso o sakit sa paghinga tulad ng hika), kung matanda, buntis o may inaalagaang bata.


Kumunsulta sa doktor kung nakararanasan ng mga sumusunod na sintomas:

  • Paulit-ulit na pag-ubo

  • Kinakapos ang hininga o nahihirapang huminga

  • Humuhuning paghinga

  • Paninikip ng dibdib

  • Mabilis na pagtibok ng puso

  • Pagduduwal o hindi karaniwang pagkapagod

  • Pagkahilo


Sundin ang mga pag-iingat para protektahan ang kalusugan:

  • Bawasan ang mga aktibidad sa labas

  • Hangga’t maaari ay manatili sa loob nang nakasara ang mga bintana at pinto

  • Huwag magbubukas ng bentilador na nagdadala sa loob ng usok mula sa labas

  • Paandarin lamang ang air-conditioner kung hindi ito nagdadala sa loob ng usok mula sa labas

  • Pag-isipang umalis sa lugar hanggang mabawasan ang usok kung nakararanas ng mga sintomas na dulot ng pagkakalantad sa usok

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page