ni Mylene Alfonso | July 7, 2023
Inirekomenda ni Senador Lito Lapid sa Department of Tourism na maaaring gamiting bagong tourism slogan ang “WOW, It’s more fun! Love, the Philippines!”.
Ito ang ibinigay na suhestiyon ni Lapid sa gitna ng kontrobersiya na nilikha ng bagong "Love the Philippines" campaign slogan ng DOT na sa kanyang palagay ay maaaring
magtuldok sa kontrobersiya.
Nabatid na ito ay ang pinagsama-samang dating slogan ng DOT ng bansa kung saan ang “Wow Philippines” na sumikat din noon ay kay dating Tourism Sec. Dick Gordon, ang “It’s more fun in the Philippines” kina dating Tourism Secs. Ramon Jimenez ar Bernadette Romulo-Puyat at ang bagong slogan na “Love the Philippines” kay Tourism Sec. Christina Frasco.
Naniniwala ang senador na kapag pinag-isa ang mga nabanggit na slogan ay mas lalakas pa ang turismo sa Pilipinas.
Kaugnay nito, idinepensa ni Lapid si Frasco sa mga batikos matapos lumabas ang kontrobersyal na promotional video na mga stock footages mula sa ibang bansa at hindi sa Pilipinas.
"Wala po akong nakitang malisya o layuning manloko ng mga tao lalo na kung titingnan natin ito na para lamang sa mga opisyal ng DOT at iba pang “internal stakeholder” at hindi pa pampubliko," wika ni Lapid.
"Hindi pa po nagagawa ang aktuwal na patalastas na gagamitin sa kampanya," dagdag pa ng senador.
Comentários