ni Ambet Nabus @Let's See | August 2, 2024
Sa isang bahagi ng speech ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa mga opisyal at empleyado ng Department of Foreign Affairs last July 31, nasabi nitong may sisimulan siyang isang bagong movie before the year ends.
Sa dinami-dami kasi ng mga scripts na may “leaning” siyang gagawin dahil bago, exciting at makabuluhan ang mga ito, napipisil nga niyang umpisahan this September ang obrang ididirek ni Dan Villegas.
Nabanggit din niyang excited siya sa nai-pitch sa kanya ni Direk Chito Roño na pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos, pero malamang na next year na raw ito, if ever.
Meron pa siyang ibang supposedly projects na binanggit pero as she herself claimed, “Lahat ng mga ‘yan, nasa plano, may proseso pa. Ayaw ko lang i-pressure ang sarili ko at ma-pressure na gawin ang mga ‘yun dahil may deadline, isasali sa MMFF or what. Basta for now, naka-lean ako to do them but at the right time kumbaga,” sey pa ni Ate Vi.
At dahil naimbitahan nga si Ate Vi na maging featured artist cum speaker-lecturer sa Cultural Wednesdays event ng Foreign Service Institute ng Department of Foreign Affairs, dobleng excited ang mga Vilmanians na dumayo sa naturang opisina.
Sa simpleng pag-share ni Ate Vi ng kanyang mga experiences bilang showbiz icon-legend for 62 years at magaling na public servant for 24 years, marami pa ring mga detalye sa buhay niya ang nakakaengganyong marinig.
Dapat ay 20-30 minutes lang siya magsasalita pero inabot ito ng 1 oras at 3 minuto. At ginawa niya ‘yun nang nakatayo sa host room habang naka-focus ang lahat ng nasa audience composed of top officials ng DFA, invited ambassadors-VIP guests and employees ng DFA.
Kuwela, magaling mag-ice breaker, may kakaibang mga adlibs, at punumpuno ng conviction ang bawat life experience na ibinahagi ni Ate Vi, since she started in showbiz at 9 years old at hanggang ngayong 70 years old na siya at sumasabay pa rin sa mga pagbabagong dala ng technology kasama na ang social media o digital world.
Hindi nagbabago ang magic at charm ni Ate Vi sa lahat. Karamihan ng mga audience ay nasa early 30s at 40s kaya’t nakakatuwang makita ang kanilang reactions at emotions na amused na amused at star struck pa rin sa isang Vilma Santos.
As she aptly summarized her mirroring her life experiences in both the showbiz and political worlds, tatlong bagay ang ibinigay niyang ‘guide’. Na sa lahat ng bagay at pakikipagsapalaran sa buhay, pinakaimportante ang hard work, smart work at grace of God kaugnay ng mga priorities niya like ang kanyang family, public service at buhay-showbiz, in that order.
Sa mahigit 30 years na namin sa industry, mga Ka-BULGAR, iilan lang talaga ang mga gaya ni Ate Vi na totoo namang isinasabuhay ang bawat tagumpay at kabiguan sa showbiz at politics. ‘Yung iba d’yan, puro mga paandar lang, mga media savvies, at pagpapasarap lang ang alam gawin. Hahahaha!
“Ako ang magiging mentor nila,” hirit pa ni Ate Vi sa tanong namin kung ano’ng magiging role niya if ever mang tuluyan nang pasukin ng mga anak niyang sina Luis Manzano at Ryan Christian ang public service.
Kung naging mentor daw niya si Sec. Ralph Recto during her public service years, this time ay titiyakin niyang maipapasa niya ang ganu’ng legacy kina Luis at Ryan.
“Ramdam na ramdam ko na nandu’n na ‘yung puso nila sa paglilingkod, hinog na. Proper guidance at pagsisiguro na hindi sila maliligaw na ilan siguro sa mga maise-share ko sa kanila,” sey pa ni Ate VI.
“Naghihintay pa tayo ng sign. Ipagdarasal natin ‘yan at bubusisiing mabuti,” sagot naman nito sa kanyang political plans.
Comments