top of page
Search
  • BULGAR

Para sa role… RYZA, PINABUKSAN ANG SALON PARA LANG MAGPAKALBO

ni Beth Gelena @Bulgary| June 24, 2024



Showbiz News


Ibinulgar ni Ryza Cenon na sarado na ang salon nang magdesisyon siyang magpakalbo. 

Aniya, “Close na ‘yung salon, pinabuksan ko para magpakalbo.”


Kaya na-surprise ang mga netizens nang bumulaga sa social media ang new look ng aktres. 


In fairness, bumagay sa kanya ang skinhead, ang ganda niyang kalbo. 


Hindi naman maitatanggi na isa siya sa may pinakamagandang mukha sa showbiz industry.


Nang umuwi ng house ang aktres, reaksyon ng anak niyang si Night ay titig na titig sa kanya. 


Kaya naman pala nagpakalbo ang aktres dahil sa role niya sa  upcoming movie, titled Lilim which will be directed by Mikhail Red.


Ayon kay Ryza, ang pagpapakalbo ay isa sa kanyang bucket list. 


Noon pa raw sana niya ginawa nu’ng buntis siya kay Night, pero hindi pumayag ang kanyang talent management. 


Gaganap na isang madre ang aktres sa Lilim na planong isali sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).


Aniya, “Kaya lang biglaan, nagbigay sila ng breakdown ng mga eksena. So, closed na ‘yung salon, pinabuksan ko para magpakalbo lang. Hinabol ko talaga.” 


Hindi naman daw nabago ang pakiramdam ni Ryza nang siya ay magpakalbo. 

Katunayan, binibigyan daw siya ng wig with real human hair, pero hindi raw siya komportableng isuot iyon. 


Sey niya, “Parang feeling ko, hindi ako sanay na may buhok. Feeling ko, mas bagay sa ‘kin ang walang buhok.” 


Ayon daw sa kanyang direktor, diretsahan siyang sinabihan na in case na mapapasok sa filmfest ang kanilang movie, ibig nitong kalbo pa rin siya sa Parade of the Stars. 


Ibig sabihin nito, laging ipapa-shave ng aktres ang kanyang ulo para ma-maintain ang pagiging kalbo.


 

ISANG halakhak (laughing emoji) ang naging sagot ni Dominic Roque sa komento ng isang basher.


Sa Facebook (FB) account ng aktor ay may nagkomento na isa sa top fan ni Dom. 

Pakli nito, “Hello cheater, iniwan mo si Bea sa ere. Karma is real.”


“Haha,” sagot ni Dom. 


Sabi tuloy ng netizen, “Can people just move on already.”

“He seems nice pero kairita talaga smile n’ya, sorry. I also commented the same in the other thread. Kapag ini-scroll mo Instagram (IG) n’ya, nakaka trigger hehe.”


Hanggang ngayon ay hindi pa rin tinatantanan ng mga netizens ang isyu between Bea at Dominic Roque. 


Though, Hindi na naman nagrereklamo ang aktor kapag nadadawit ang name niya sa mga interview ng aktres, wala naman kasi siyang movie o teleserye na pinopromote.


Ang aktres ang may teleseryeng ipapalabas kaya siya ang malimit na natatanong hinggil sa ex. 


Sey ng mga netizens:


“‘Di pala s’ya kagwapuhan.”


“Feeling is mutual. ‘Di rin naman kagandahan si Bea.”


“If Bea is not that beautiful, how do you define beautiful? I saw her in person and we were all mesmerized by her beauty. And she is tall and very nice.”


Kontra naman ng isang commenter, “Ngek, walang maniniwala sa’yo sa statement mo. Inggit lang ‘yan.”


“Hindi talaga sila bagay ni Bea. Pareho naman silang maganda’t guwapo pero wala silang chemistry. Parang mag-ate lang talaga.”


Sana na lang tinularan ni Bea Alonzo si Kim Chiu o Kathryn Bernardo na kapag nai-interview ay hindi na mine-mention ang kanilang ex, tutal may pinagsamahan naman din sila na good memories. 


 

PINALAGAN ni Alexa Ilacad ang basher na mahilig manlait tungkol sa body shaming dahil may strong statement siya sa mga rude comments na nababasa niya. 


Hindi nag-atubiling sagutin ng singer/actress ang hindi magandang komento ng basher sa kanyang katawan. 


“Ang ganda mo pero may something talaga sa katawan mo na medyo off,” sey ng basher. 


“2024 na pero hindi ka pa rin aware na our bodies come in different shapes, sizes, and proportions? I’d suggest you to hit the books before making comments that are very… off,” tahasang sagot niya. 


Hindi nagpatinag ang commenter at bumwelta ng sagot. 


“2024 na pero mukhang ang gusto mo lang na comment ay ‘yung hindi “off” para sayo? Dapat hindi ka nag artista if you can’t stomach the truth.” 


Sadyang palaban naman ang ka-loveteam ni KD Estrada na sinagot itong muli. 


“What a dumb argument. Me being a celebrity doesn’t give you a free pass to be

rude,” dagdag na sabi ni Alexa. 

Si Alexa ay isa sa bagong host ng Pinoy Big Brother (PBB) na gagawin ngayong July.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page