ni Lolet Abania | February 16, 2022
Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang executive order para gawing institutionalize o institusyonal na ang pagtanggap ng Philippine Identification System (PhilSys) ID o National ID bilang “sufficient proof” o sapat na katibayan ng pagkakilanlan at edad sa lahat ng pribado at mga transaksyon sa gobyerno.
Sa ilalim ng Executive Order 162 ni Pangulong Duterte nakasaad na ang PhilSys, “shall be the government’s central identification platform for all citizens and resident aliens of the country.”
“An individual’s record in the PhilSys shall be considered as sufficient proof of identity and age in all public and private transactions,” pagdidiin ng Punong Ehekutibo.
Ayon sa Pangulo ito ay kinakailangan, “to improve efficiency in the delivery of social services, strengthen financial inclusion and promote ease of doing business.”
Ang mga government transactions kung saan maaaring magamit ang national ID, kabilang na ang aplikasyon para sa marriage license, student driver’s permit, enrollment ng mga estudyante, at voter’s registration, at iba pa.
Ipinag-utos din ni Pangulong Duterte sa mga pribadong establisimyento na ipaalam sa publiko ang mga guidelines sa paggamit ng national ID o mga pagbabago sa mga identification requirements.
Tinatayang nasa 55 milyong Pilipino mula sa 109 milyong indibidwal ang naka-registered na sa ilalim ng national ID system.
Habang mayroong 6 milyong ID cards ang kanila nang nai-release sa ngayon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Huwebes.
Comentarios