ni Zel Fernandez | May 14, 2022
Hinikayat ng National Housing Authority (NHA)-Region 11 na mag-apply sa Government Employees Housing Program ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at government employees sa bansa.
Makapagbigay ng disente at murang bahay, ito ang layunin ng nasabing programa para sa mga uniformed personnel ng gobyerno na kinabibilangan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Corrections (BOC), at iba pang mga empleyado ng pamahalaan.
Ayon sa pahayag ng NHA, kabilang umano sa mga bahay na iniaalok sa naturang housing program ay mga two-storey duplex units na mayroon anilang sukat na 60 square meters ang floor area at 80 square meters ang lot size.
Pagbabahagi pa ng asosasyon, para sa mga kuwalipikadong aplikante ng kanilang programa ay nasa ₱5,000 ang pinakamababang monthly amortization at wala na umanong down payment.
Habang nasa ₱20,000 naman ang reservation fee kung saan ang unit ay handa na rin anilang tirahan.
Samantala, maaaring bisitahin ang NHA Facebook page upang malaman ang iba pang mga detalye ukol sa Government Employees Housing Program.
Comments