ni Jasmin Joy Evangelista | November 6, 2021
Pinag-iisipan ngayon ng gobyerno na magpatupad ng "no bakuna, no ayuda" policy sa mga ‘di bakunadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay Department of the Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III, hindi nagkulang ang gobyerno sa panghihikayat at pagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagbabakuna.
"Napag-usapan na dun sa 4Ps pinag-uusapan natin mga 6 -7 milyong kababayan natin. Kung hindi sila magpapabakuna hindi natin ire-release sa kanila 'yung kanilang ayuda under the 4Ps. Maghihigpit na tayo," ani Densing.
Sakaling hindi ito umubra ay may ibang paraan pang naiisip ang DILG.
“Ang isang tinitingnan natin ay baka pwedeng amiyendahan 'yung batas 'yung RA 11525, 'yun yung batas sa vaccination program natin na palitan ang isang provision dun na hindi na voluntary ang pagbabakuna kundi mandatory na po," ani Densing.
Kaugnay nito, pinag-iisipan din daw ng DILG na panagutin ang mga lokal na opisyal sa mga rehiyon na mabagal ang pagbabakuna.
Comments