ni Joy Asis @Life & Style | February 15, 2023
Karamihan sa maliliit na negosyo ay hindi nakaka-survive sa unang taon. Isa sa mga dahilan ay karamihan sa mga owners ay expert sa kanilang skills o business, pero hindi alam kung paano ipo-promote nang tama ang kanilang serbisyo o produkto.
Halimbawa, kahit ang pinakamagaling na karpintero sa buong mundo na kayang gumawa ng pang-world class na furniture ay hindi makakakuha ng customer o makakasingil ng premium rate kung wala namang nakakaalam na siya ay isang mahusay na karpintero.
Para sa maliit o solo business, masasabing magastos ang pagpapa-advertise. Buti na lang at may internet na nagbibigay ng pagkakataon para i-market o i-promote ang negosyo nang libre. Ang problema, hindi naman ganu’n kadali ang tinatawag na digital marketing.
Sa pamamagitan ng digital marketing, natutulungan ang maliliit na negosyo na makuha ang atensyon ng publiko. Pero, ang isang magandang video na kapag nag-viral ay kaya ring mai-survive ang isang business at kumita pa nang mas malaki.
Ngayon, paano gagamitin ng isang small business owner ang digital marketing — ang Facebook, Instagram, TikTok, Twitter, YouTube at marami pang online platforms?
Tinanong natin ang isa sa pinakamagaling at kilalang content creator sa Pilipinas, na 10 years nang gumagawa ng online content… walang iba kundi si VINCE GOLANGCO.
Si Vince, ang founder at CEO ng wheninmanila.com, ang biggest blog and online magazine sa bansa.
Bago pa nakilala ang mga influencers ngayon, may isa nang ‘Vince Golangco’ na isa sa mga naunang bloggers na talagang nakilala at nagba-viral sa ‘Pinas. Simula 2009, lalong nakilala si Vince sa digital landscape, umabot ng millions ang kanyang followers, at views sa kanilang website at sa marami pa nilang social media platforms.
Ayon kay Vince, dapat na seryosohin ng maliliit na negosyo ang digital marketing. Marami umano siyang nakakausap na small business owners na walang idea kung ano ang ipo-post online o kung paano mapapansin ng netizens ang kanilang brands.
Kaya narito ang 4 DIGITAL MARKETING TIPS NI VINCE:
1. Just keep posting — Ang problema umano sa maraming businesses, isang linggo o buwan pa lang na nagpo-promote online, suko na. Feeling nila ay walang nakakapansin sa kanilang post hanggang sa nawawalan na ng gana. Tuloy lang, at least one post a day (three posts per day para sa serious influencers), and eventually, mapapansin din ‘yan lalo’t halos lahat ngayon ay naka-online. ‘Yung mga anime knitting kit, or collector’s edition custom made na board game table, tiyak na mapapansin ng mga netizens na interesado sa mga ito. Ang pagpo-post online ay isang paraan para mahanap ang mga tao na makaka-appreciate at magugustuhan ang iyong produkto. Kung ikukumpara sa mall, na hundreds or thousands lang ang tao per day, sa internet ay millions or billions pa ang views per second. Ang iyong audience and community ay nasa online, kaya keep posting so that they can find you.
2. Don’t overthink it – Ang ikalawang problema na lagi umanong nakikita sa mga bagong business ay masyadong iniisip kung ano ang ipo-post. Para sa bagong Facebook page na may 12 followers at hindi pa naman agad makikita ng million netizens, relax lang. Sa simula, kailangan munang isipin ang quantity over quality — hindi natin sinasabi na basta post lang kundi, ‘wag msyadong mag-worry sa bawat post, mag-create or post lang palagi. Ang basic rule sa pagpo-post ay mag-create ng kahit anong content basta hindi negative or controversial. Hanggang sa makita na kung anong mga posts ang okay at alin ang hindi, then adjust.
3. Stay on top of trends — Gusto mong bumenta ang iyong brand online? Make sure na updated ka sa latest trends — mula sa hot topics, pop culture references, new social media features, hanggang sa kung ano ang bago or uso. Gayunman, payo sa mga small businesses, stay positive at piliin pa rin kung ano ang sasabayang trends. Huwag hayaang masangkot ang business sa negative issues or controversial things.
4. Don’t post an “ad” — Pagpo-post ng advertisement ang kadalasang ginagawa ng mga businesses. Batid naman natin na ayaw ng mga tao na nakakakita ng commercial or ads online. Skip na 'yan or magbabayad na lang for subscription gaya ng Netflix na walang commercials.
'Post online to promote yourselves, but to not post about yourselves.' Sa mundo ng advertising, tinatawag itong hard-sell vs. soft-sell. Sa hard-sell, iniaalok mo nang puwersahan ang iyong brand nang ganito: BUY BRAND X, BUY BRAND X, BUY BRAND X, BRAND X IS AMAZING, BRAND X WILL CHANGE YOUR LIFE.
Habang sa soft-sell, ang iyong brand ay nasa background at iniaalok mo lang in a very subtle way or hindi obvious, hindi pilit.
Sa halip na sabihing: BRAND X IS THE BEST PHONE FOR YOU – dapat ay mag-isip at gumawa ng content na nagsasabi na: Narito ang mga tips kung paano iingatan ang battery ng phone.
Ito ay nagdaragdag ng value or knowledge sa viewer. Itong post or video ay kung saan naroon o mapapanood din ang iniaalok mong brand ng phone.
At dahil ito'y useful or informative, malamang na sila'y mag-comment, like at i-share pa ang iyong post sa kanilang mga pamilya at kaibigan.
Ngayon, marami nang tao ang makakakita ng iyong post, at siyempre ng iyong brand.
Itong mga nabanggit na digital marketing tips ay hindi madali, kailangan ng panahon para ma-practice. Sa isang trained digital marketer, basic lang ang mga ito pero sa mga business owners lalo na sa mga nagsisimula pa lang, kailangan ng gabay.
At dahil umabot ka sa part na ito at plano mong magnegosyo or nag-start ka na ng iyong small business, handa kang tulungan ni Vince.
Ready siyang sagutin ang iyong mga tanong at tulungan ka sa business at sa iyong digital marketing needs.
Mag-email lang sa wheninmanila@gmail.com or sa social media, @vincegolangco and @wheninmanila.
Comments