ni Madel Moratillo | May 18, 2023
Aprubado na ng Commission on Elections (Comelec) ang internet voting para sa overseas voters kaugnay ng 2025 National and Local Elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, layon nitong makakuha ng mas mataas na turnout sa overseas voters.
Tatrabahuhin naman ngayon ng poll body ang roadmap para sa internet voting.
Noong Hunyo ng 2021, lumagda sa isang memorandum of agreement ang Comelec sa 3 solutions providers para sa live test runs ng internet voting systems.
Noong September 2021, ginawa ito ng information technology firms na Indra, Smartmatic, at Voatz.
Bahagi ito ng pag-aaral kung posible ba ang internet voting.
Comments