top of page
Search
BULGAR

Para sa mga Pilipinong lalabas ng bansa… COVID-19 digital vaccination certificate, inilunsad na

ni Jasmin Joy Evangelista | September 7, 2021



Maaari nang bisitahin ang ‘VaxCertPH’ na isang online portal kung saan maaaring makuha ang digital COVID-19 vaccination certificate ng mga fully vaccinated na indibidwal.


Layon ng VaxCertPH na magkaroon ng digital vaccination certificate na tatanggapin sa ibang bansa.


Initial roll-out pa lang ang inaprubahan ng IATF, kung saan prayoridad ang mga overseas Filipino workers (OFWs) at outbound Filipinos mula sa Metro Manila at Baguio City.


"Bibigyang-prayoridad sa unang phase ng pagpapatupad ng VaxCertPH ang overseas Filipino workers, at mga Pilipinong aalis po paibang bansa, kung saan ang place of residence ay Metro Manila at Baguio City. Bubuksan ito sa general public at iba pang mga bagay at a later time," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.


Kabilang sa mga impormasyon na lalabas sa certificate ang lugar at petsa ng pagbabakuna, at ang brand ng ginamit na bakuna at QR Code.


Ito ay maaaring i-access sa vaxcert.doh.gov.ph.


Kung nagpabakuna pero hindi available ang vaccination record sa website, maaaring i-upload ang larawan ng vaccination card at government-issued ID para ma-update ang record nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page