top of page
Search
BULGAR

Para sa mga may trabaho sa araw… ‘Resbakunight’ isasagawa sa Tarlac

ni Jasmin Joy Evangelista | February 11, 2022



Magsasagawa ng nighttime vaccination ang Tarlac provincial government para sa mga empleyadong hindi makapagpabakuna kontra COVID-19 dahil sa schedule ng pasok sa trabaho.


Sa isang pahayag ngayong Biyernes, Feb. 11, sinabi ng provincial government na gaganapin ang pagbabakuna sa Maria Cristina Park sa harap ng provincial capitol tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes mula 6 p.m. hanggang 9 p.m. Puwede ring magpaturok ng booster shots.


Layon ng “Resbakunight” na mahikayat ang mga hindi pa bakunado dahil sa job-related issues.


Nasa 920,594 Tarlac residents na ang fully vaccinated as of Thursday. Ito ay 61.2 percent ng 2020 population ng lalawigan na nasa 1,503,456.


Nasa 89,245 residents naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna at naghihintay na lamang para sa 2nd dose.


Nitong Huwebes, nakapagtala ang Tarlac ng 46 new patients, 79 recoveries, at zero deaths. Ang aktibong kaso rito ay 359.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page