top of page
Search
BULGAR

Para sa fully vaxxed travelers, ROFs... Facility-based quarantine, stop na

ni Lolet Abania | January 28, 2022



Inalis na ng gobyerno ang mandatory facility-based quarantine na requirement para sa mga international travelers at returning overseas Filipinos (ROFs) na mga fully vaccinated kontra-COVID-19.


Gayunman, ayon kay acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, ang mga international travelers at ROFs ay dapat na magpakita ng kanilang negative RT-PCR test na ginawa sa loob ng 48 oras bago pa ang departure nito mula sa bansang pinanggalingan at kailangang mag-self-monitor ng pitong araw mula sa petsa ng kanilang pagdating.


“[They] shall also be required to report to the local government unit of destination upon the manifestation of symptoms, if any,” sabi ni Nograles sa isang press briefing ngayong Biyernes.


Epektibo aniya, ang bagong polisiya simula Pebrero 1, 2022.


Ayon kay Nograles, nagdesisyon ang gobyerno, saan mang country of origin, na isuspinde na ang kanilang “green,” “yellow,” at “red” COVID-19 risk classifications para sa mga bansa, territories at jurisdictions.


Bilang patunay naman ng vaccination, ang mga travelers ay dapat na magpakita ng alinman na World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis, VaxCertPH, o National/State digital certificates mula sa foreign governments, kung saan tinatanggap din ang VaxCertPH sa pamamagitan ng reciprocal arrangement maliban kung pinahihintulutan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).


Binanggit naman ni Nograles na ang mga unvaccinated, partially vaccinated, o mga indibidwal na ang kanilang vaccination status ay hindi maaaring mai-validate independently ay kailangang magprisinta ng negative RT-PCR test result na ginawa sa loob ng 48 oras bago sila umalis sa kanilang bansang pinagmulan.


“They will also have to undergo facility-based quarantine until the release of their negative RT-PCR test taken on the fifth day. Afterward, they will have to undergo home quarantine until the 14th day, with the date of their arrival being the first day,” paliwanag ni Nograles.


“LGUs of destination and their respective Barangay Health Emergency Response Teams are tasked to monitor those arriving passengers undergoing home quarantine,” dagdag pa niya.


Ang mga bata na nasa edad 12 at pababa, at hindi pa nababakunahan kontra-COVID-19 ay kailangang sumunod sa quarantine protocols ng magulang o ng adult/guardian na kasama nilang bumiyahe.


Samantala, sinabi ni Nograles na ang mga sumasailalim sa quarantine hanggang Pebrero 1 ay maaari nang maka-avail ng bagong testing at quarantine protocols.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page