ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 31, 2021
Hanga kami sa pagpapakatotoo ng Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza.
Kahit na ilang beses na siyang nagbida sa ilang serye ng GMA Network at nakagawa na ng magagandang pelikula, willing pa rin si Barbie na tumanggap ng supporting role kung may offer sa kanya.
Sa panahon ngayon, hindi na raw dapat maging choosy pa ang mga artista. Ang importante ay may trabaho at may pagkakakitaan.
For sure, hindi ganito ang magiging katwiran ng ibang artistang kasabayan ni Barbie lalo na ‘yung mga nabigyan ng chance na makapagbida na.
Well, ang tunay na artistang may tiwala sa kanyang kakayahan, kailanman ay hindi mai-insecure kahit supporting role ang kanyang gampanan.
Hindi naman ‘yun makakabawas sa stature na narating ni Barbie. Alam ng lahat ang kanyang kalidad bilang aktres. Puwede siyang mag-drama at mag-comedy.
Marami ang natutuwa sa role ni Barbie sa kanyang guesting sa Heartful Café kung saan gumanap siya bilang si Cors na ex-GF ni Ace (David Licauco) na nagbabalik.
Cute at nakakaaliw ang mga eksena nina Barbie at Heart (Julie Anne San Jose). May love triangle rin kaya exciting.
Komentāri