ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 13, 2024

Mukhang wala nang follow-up project pa ang tambalang Kyle Echarri and Andrea Brillantes or KyleDrea pagkatapos ng Senior High.
Ayon kay Andrea sa farewell mediacon ng Senior High, may nakalaan na raw separate projects for them.
“Tulad ni Kyle, mayroon na po siyang upcoming project, so I think, mayroon po kayong mae-expect sa amin as an individual po,” ani Andrea.
Pero bilang pasasalamat daw sa KyleDrea fans na walang sawang sumusuporta sa team-up nila, may inihanda silang sorpresa sa mga ito na mapapanood sa Senior High.
“Pero sa mga KyleDrea fans, sobra kaming nagpapasalamat sa kanila. What I can say is meron silang puwedeng i-expect sa last week of Senior High sa eksena namin ni Kyle,” saad ni Blythe.
Singit naman ni Kyle, baka this weekend na nga raw mapapanood.
Sey ulit ni Andrea, “Feeling ko, magugulat sila and kayo rin, pero ano ‘yun, talagang inalagaan namin ‘yung eksena naming ‘yun ni Kyle and talagang pinag-usapan namin.
Pinaghandaan namin ‘yun.”
Dagdag pa niya, “Sana, magustuhan ng KyleDrea fans.”
Inamin naman ng aktres na mas nae-enjoy na niya ang maging solo artist at hindi nakatali sa isang love team.
“Parang ang tagal ko lang kasing madaming partners. I wanted something new at habang mas bata pa ‘ko, mas madali pang mag-explore,” aniya.
Nilinaw naman niyang hindi siya against na magkaroon ng love team.
“Pero siguro, na-realize ko lang na I think, it is not for me being paired up with a partner. Parang I think, personally, mas nakakakita po ako ng personal growth kapag mag-isa po ako.
“Pero support ako sa mga love teams,” aniya.
Comments