mas palakasin ng gobyerno.
ni Sonny Angara - @Agarang Solusyon | August 14, 2021
Magandang balita para sa bansa ang malaking economic growth sa second quarter ngayong taon, sa gitna ng patuloy na pananalasa ng COVID-19 pandemic na inaayudahan pa ng mga tumataas na kaso ng Delta variant.
Sa kabila nito, tayo ay nananawagan sa gobyerno na manatiling alerto, huwag maging kampante at kung maaari ay mas palakasin pa natin ang ekonomiya para na rin sa kapakanan ng lahat.
Sa unang tatlong buwan ng taong ito, bagsak na bagsak talaga tayo. Ngayong taon, lumakas ang ating industriya at umusbong ng 20.8 percent kumpara sa -21.8 percent na estado nito sa mga unang bahagi ng 2020.
Ngayong taon din, ang household consumption na itinuturing na malaking factor sa pagpapagalaw ng ating ekonomiya ay lumakas sa 7.2 percent sa second quarter ng taon, kumpara sa -15.3 percent rate nito sa second quarter ng 2020.
Ayon nga kay NEDA Secretary Karl Chua, malaki ang naitulong ng mas pinaluwag na quarantine restrictions sa mga unang buwan ng taon na nagbigay-daan upang mas gumalaw ang ating mga industriya, ang transportasyon at iba pang mahahalagang aspetong pang-ekonomiya.
Naniniwala naman tayong kung mas mapalalakas pa ng gobyerno ang laban nito sa pandemya sa pamamagitan ng pinaigting na healthcare system, contact tracing, isolation at pinabilis na vaccination effort, mas malaki ang tsansa na mas umalagwa pa ang ekonomiya ng bansa dahil masisiguro ang pagkontrol sa pagtaas ng mga kaso ng COVID.
◘◘◘
Dahil ngayon ay Araw ng Kabataan sa buong daigdig, nais nating batiin ang kabataang Pilipino na sa kabila ng murang edad ay aktibo sa iba’t ibang aktibidad na nakatutulong sa kani-kanilang mga komunidad.
Isa ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan sa ating mga hinihimok na maging aktibo sa pagsusulong sa tinig ng kanilang hanay upang mapalakas ang kanilang kapangyarihan bilang mga susunod na henerasyon ng mga pinuno ng ating bansa.
Nitong Marso ng kasalukuyang taon, pumasa sa ating komite sa Senado, ang Senate Committee on Youth ang ating panukalang-batas, ang Senate Bill 2124 na nag-a-amenda sa RA 10742 o ang SK Reform Act of 2015 na naglalayong pagkalooban ng kaukulang buwanang honoraria hindi lamang ang mga SK chairpersons, kundi maging ang SK members, ang kanilang mga secretary at treasurer.
Ang kabataan, kung bibigyan ng tamang oportunidad at pagpapahalaga ay kayang magtagumpay at magiging tulay ng kasalukuyan tungo sa mas magandang hinaharap.
May katanungan ka ba, reklamo o nais ihingi ng tulong? Sumulat sa AGARANG SOLUSYON ni Sonny Angara, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa agarangsolusyon.bulgar@gmail.com
Comentarios