top of page
Search

Para masarap daw ang tulog ng ex… GABBY, AFTER NG SINGSING, BIBIGYAN DIN NG RELO SI SHARON

BULGAR

ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 27, 2025



Photo:Gabby at Sharon - IG


Sa pag-launch kay Papa Gabby Concepcion bilang wellness champion at health advocate ng Mwell, naitanong namin dito kung na-inspire ba sa kanyang palagay si Mega Sharon Cuneta dahil sa iniregalo niyang “singsing”?


Ang naturang ‘singsing’ kasi ay isa lamang sa mga produkto ng Mwell na nakakatulong sa sleeping habit ng isang tao, kasama na rito ang pagsukat ng ilang health metrics gaya ng heart rate, heart rate variability, resting heart rate, at average oxygen saturation.


“Malamang na na-inspire, though hindi ko pa siya nakikita uli in person. Abangan pa ninyo ‘yung ipa-partner kong Mwell power watch, para kumpleto ang mga benefits para sa monitoring ng blood pressure at heart rate. Alam ninyo naman at 38, dapat pare-pareho tayong malulusog, magaganda at sexy,” sey pa ni Gabby.


Kasama ni Gabby sa naturang launch ang kanyang mga solid supporters simula pa noong araw na kilig na kilig sa mga hirit nito at tsika sa renewed friendship nila ni Mega Sharon.


Pero dahil may commitment nga siya para sa isang teleserye hanggang November this year, baka hindi na muna raw maulit ‘yung Dear Heart concert nila abroad.


Bahagi na nga si Papa Gabby ngayon ng Mwell campaign na: “Healthy is the new handsome,” bilang inire-represent naman niya talaga nang bongga ang slogan na ito.


 

Still showing ang pelikulang The Caretakers (TC) na pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana mula sa Regal Entertainment.


Ibang horror ang dala ng movie dahil bukod sa kuwento nito tungkol sa kayang gawin ng isang ina para sa kanyang mga anak, inire-represent din nito ang pagmamahal ng inang kalikasan sa mga tao.


Kilalang mahuhusay na aktres sina Iza at Dimples, pero nagawa ng mga bagets na sina Marco Masa, Ashley Sarmiento, Althea Ruedas, Erika Clemente at Erin Rose Espiritu na makipagsabayan (may mga eksena pang tinalbugan sila) sa galing nila.


Hindi man nakabibingi ang mga sigawan at tilian, sure namang may kung anong sasabog sa mga dibdib ninyo sa mga eksenang nakakasindak at nakapanghihilakbot.

Iba ang awra nu’ng ginamit na lumang bahay sa movie. May sarili siyang mga eksena na kapag paulit-ulit ninyong ilalagay sa isip ninyo ay parang ayaw na ninyong matulog. Hahaha!


Si Shugo Praico ang direktor ng The Caretakers at co-produced din ito ni Direk Lino Cayetano ng Rein Entertainment.


 

ANG ganda-ganda ni Jillian Ward sa naging selebrasyon niya ng kanyang 20th birthday and at the same time ay 15th year niya sa showbiz.


Grabe talaga ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ‘yung mga interviews at pakikipaglaro namin sa bagets noong si Jillian na sobrang kulit.


Literal na sa showbiz na lumaki si Jillian at sa dami ng mga pinagbidahan niyang shows sa TV ay matatawag nga siyang big star.


“Gusto ko lang pong mag-share ng saya, mag-show ng appreciation sa lahat ng mga taong sumuporta sa ‘kin. Life is short para malungkot tayo,” bahagi pa ng birthday message ni Jillian kung saan din siya kumanta at sumayaw.


Sa napapanood nating My Ilonggo Girl (MIG) sa GMA-7 TV, walang dudang nakabuo na naman ng bagong tambalan ang Kapuso Network sa MicJill. Ang guwapo at may tantalizing eyes na si Michael Sager nga ang kalahati ng tagumpay

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page