Para mas epektib... Sinovac sa first dose, AstraZeneca, 2nd dose sa Thailand
- BULGAR
- Jul 13, 2021
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021

AstraZeneca ang ituturok bilang ikalawang dose sa mga nakatanggap ng Sinovac sa kanilang unang dose ng bakuna laban sa COVID-19, ayon sa opisyal ng Thailand ngayong Lunes.
Pahayag ni Health Minister Anutin Charnvirakul, "This is to improve protection against the Delta variant and build high level of immunity against the disease.”
Samantala, ang naturang hakbang ay isinusulong dahil ayon sa health ministry, karamihan sa mga medical at frontline workers na nakatanggap ng Sinovac vaccines sa kanilang unang dose ay tinamaan pa rin ng COVID-19.
Comments