ni Lolet Abania | July 7, 2022
Hindi na mag-oopisina pa si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Reception House sa New Manila, kung saan naroon ang Office of the Vice President.
Batay sa source, posibleng ilipat ni VP Sara ang OVP sa isang lugar sa Mandaluyong City, isang lokasyon na mas malapit sa opisina ng Department of Education (DepEd) na siya ang secretary.
Una rito, nakipagpulong na si VP Sara sa mga DepEd officials nitong Miyerkules at tinalakay nila ang budget ng kagawaran para sa 2022 at ang mga proposed allocations para sa susunod na taon.
Ang DepEd ang may pinakamalaking funding sa 2022 national budget, habang ito ang may pinakamaraming bilang ng mga empleyado na mayroong higit sa isang milyon.
Samantala, sinabi ni Atty. Reynold Munsayac, spokesperson ni VP Sara, na sinimulan na ng OVP ang pagbibigay ng mga social services, kabilang na ang medical at burial assistance, sa pamamagitan ng kanilang satellite offices.
Comentarios